Chapter 6

125 14 5
                                    

Nakatakip parin ako sa mukha kong pulang pula dahil sa kahihihiyan. Si Astrid naman ay parang mababaliw na sa kakatawa. Pesteng katangahan kasing to ngayon pa umiral! Aish!

[Flashback]

Nung tinawag ni Zach ang kanyang pinsan ay napatingin din yung lalake. Napatakip naman ako ng bibig dahil sa gulat ng malaman ko kung sino ang lalaking iyon...

"Vinceee!!!" sigaw ko ng matauhan ako.

"Sam!" Nakangiting sabi niya habang kumakaway.

Mabilis naman akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya para sana yakapin siya kaso.......NADAPA AKO!! nasira kasi yung sandal ko! Waaaaah! Nakakahiya!

Dali dali namang tumakbo si Zach para tulongan akong makatayo. Waaaaaaah! Nakakahiya. Gusto ko ng umuwi!! Andaming nakatingin sakin!

"HAHAHAHAHAHAHAHAH Ano ka ngayon? Takbo pa HAHAHAHAHHA" malakas na tawa ni Astrid. "Ano, okay kalang? Hahahah"

Hindi ko alam kong kaibigan ko ba talaga tong bruhang to eh! Kainis huhu!

"Okay ka lang?" Tanong ni Zach

Nahihiyang tumango naman ako sakanya. Tumingin naman ako kay Vince saka ngumiti ng pilit.

"Namiss kita ah!" Sabi ni Vince sabay yakap sakin. Ginantihan ko naman siya ng yakap.

Sinamaan ko muna ng tingin si Astrid at napagdisisyonan nanaming pumasok muna sa Ice cream Shop.

[End of Flashback]

Aish! Tanga tanga ko kasi! Aish! Ayoko ng maalala!

"Kumusta kana Sam?" napatingin namana ko kay Vince ng magtanong siya. Medyo hindi nadin ganon ka pula yung mukha ko.

"Okay lang naman. Ikaw kumusta kana? Sobrang namiss kita!"

Siya nga pala si Vince Laurel. Mag Bestfriend at Magkaklase kaming tatlo niyan ni Astrid simula nong Grade 5. Kaso nung second year highschool na kami, lumipat sila ng pamilya niya sa Canada at dun nanagpatuloy sa pag-aaral. Kaya namiss ko tong lalaking to eh.

---

"Oy! Kailangan ko ng bagong sandal. Bili muna tayo" sabi ko sakanila.

Andito parin kami sa Ice Cream shop. Andami kasi ng kinwento ni Vince tungkol sa nangyare sakanya sa ibang bansa. Medyo nawawala nadin yung pagkahiya ko ng dahil sa nangyare kanina.

"Kami na bibili ni Vince!" Sabi ni Astrid.

"Ha? Ikaw nalang. Dinamay mo pa ako" sagot ni Vince ng nagprisinta si Astrid. Natawa naman ako.

"Samahan mo na kasi ako" sabi ni Astrid saka kumapit sa braso ni Vince at nagpout. Parang ulol tong si Astrid pfft.

"Tayo nalang kayang lahat?" Suhistiyon naman ni Zach.

Aba himala nag salita haha. Kanina pa to tamihik eh.

"Kasama ka pala namin Zach? Pfft." Natatawang sabi ni Astrid. Hindi naman siya pinansin ni Zach. "Anyway kami nalang. Diba Vince? Dibaaa?" Pinaningkitan niya ng mata si Vince kaya wala ng magawa si Vince kaya tumango nalang siya. "See? Amin na pera mo?"

"Teka lang! Mamaya na! Kumakain pa ako eh" reklamo ni Vince.

"Wag kanang kumain. Kumain kana kanina eh. Tara na!" Sabi niya sabay hila kay Vince.

Natatawa naman akong tinignan sila. Hindi na ako magtataka kung magkatuloyan yung dalawang yun.

Bigla namang pumasok sa isip ko na kami nalang pala ni Zach ang nandito.

"Matagal na kayong magkaibigan ni Astrid?" Napatingin naman ako sakanya ng mag tanong siya. Medyo hindi ako nahihiya sakanya.

"Ah oo. Since Grade 5. Actually kaming tatlo kasama si Vince" sagot ko sakanya.

"Ahh" sinabi niya kaya natahimik kami.

"Ahmm..Kumusta na pala kayo ni Michelle?" Pagbasag ko ng katahimikan

"Kami? Wala na kami" sabi niya ng nakangiti ng malungkot.

"Ha? Wala na kayo? Eh magkasama pa nga kayo kagabi diba?" Sunodsunod kong tanong.

"Oo, pero hindi ko alam na mangyayare pala yun." Nakangiti niyang sabi sakin pero alam kong peke yun. Tumango lang ako sakanya.

"Ano ba kasing nangyare?"

huminga siya ng malalim saka sumagot, "Alam mo bang mahal na mahal ko si Michelle? Simula nong makilala ko siya pinangako ko sa sarili ko na magiging akin siya balang araw. Kaya niligawan ko siya ng ilang buwan at di rin nagtagal sinagot niya ako. Naging masaya naman kami sa Loob ng 5 buwan pero nung nakaraan lang, hindi ko alam pero bigla siyang nagbago. Madalang niya nalang ako replyan. Pagtinawagan ko naman palaging busy. Pero binalewala ko yun kasi baka busy lang talaga siya. Pero kagabi... para akong sinaksak sa dibdib ng makita ko siyang may kahalikang lalake."

[Flashback]
3rd person's point of view

Magkasama si Zach at Michelle na nakaupo sa isang Table. Si Zach kumakain habang si Michelle naman panay ang text. Napansin naman iyon ni Zach.

"Babe, kaumain ka mu--" hindi niya natapos ang sasabihin ng tumayo ang dalaga para sagutin ang tumawag dito.

Napabuntong hininga naman si Zach at tinapos ang pagkain para sundan ang dalaga.

Habang naglalakad si Zach papunta kung saan niya nakitang dumaan ang kanyang nobya, tila parang kinakabahan ito.

Napatulala siya ng dahil sa nakita niya. Parang sinasaksak ng napakadaming kutsilyo ang puso niya ng dahil sa nakita. Tila parang gusto niyang manontok at mag wala.

Ng mapansin siya ng dalawa, napatigil ito sa paghahalikan at nagulat ng makita ang lalake sa harap nila.

"Z-zach" sambit ni Michelle. Akma itong lalapit kay Zach ng pigilan siya neto.

"No. What the f*ck was that Mich!?" Pasigaw na tanong ni Zach sakanya na masang masama ang tingin.

"Z-zach p-please l-listen to me" nagmamakaawang sambit ni Michelle. "H-hindi ko sinasadya" napayuko ito.

"H-hindi mo sinasadya?! The f*ck Mich! Wow" hindi makapaniwalang sabi ni Zach sakanya.

"Let's end this bullsh*t Mich" hindi na siya nag aksaya ng oras at tatalikod na sana ito ng tumakbo si Michelle sa kanya at yinakap ito.

"Z-zach! N-no! You love me right?" Umiiyak na tanong ni Michelle.

Hindi niya sinagot ito saka kinawala ang yakap nito sakanya at nagsimula ng maglakad papalayo..

[End Of Flashbacks]
-----
[A/N]
Napaaga mga bes. Hehez. Okay lang ba yung story? Or hindi? Huhu I need your opinions guys. Yung lang thanks for Reading. Labyu! ♪('ε)

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon