Chapter 11

90 10 0
                                    


Tumakbo ako ng mabilis para makausap si Drake. Pero hindi ko siya naabutan. Umupo ako sa isang bench dahil hingal na hingal ako kakatakbo.

Magka kilala ba sila? Bakit parang may galit sila sa isa't isa? Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong hinanakit sa mata ni Drake ng makita niyang hawak ni Zach yung kamay ko. Nagseselos ba siya? Oh come on Sam!Lahat ng tao dito alam na playboy siya!

Napabuntong hininga ako at napahilamos ng mukha gamit ang kamay ko. Mahal ko naba si Drake? No. I mean, mahal ko na kaya siya dati pa?

Bigla akong napailing sa mga iniisip ko.

"No Sam. Hindi ka pwdeng mainlove sakanya. Playboy siya, masasaktan ka lang. aish!" Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Napasabunot ako ng buhok ko.

"Hindi pwde!"

"Anong hindi pwde?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Astrid. May lahi batong kabuti? "Kanina pa kita hinahanap. Kala ko dumiretso na kayo si Zach sa motel eh hahahahhaha"

Ang bastos ng bruhang to. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan nako!

"Gaga. Hindi nga natuloy ang paguusap namin eh" hindi ko na masyadong maalala ang mga sinabi ni Zach. Aghh! Ano nga ba yun?

"Eh? Bakit?"

Umiling lang ako.

"Ano yung sinasabi mong 'hindi pwde!' Alam mo bang nagmumukha kang baliw dito? Hindi sana kita lalapitan eh. Nakakahiya kasi" natatawa niyang sabi.

"Ngina mo. Wag mo ng pansinin yun"

"Tara na nga. Malapit ng magsimula yung klase" sabay hila sakin.

---

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay binuksan ko agad ang facebook ko. Umaasa din ako na baka may chat siya sakin. Pero.... wala.

Online naman siya. Gusto siyang ichat pero natatakot ako baka hindi niya ako pansinin.
Humiga ako sa kama at nag isip isip kung ichachat ko ba siya.

Tumayo ako at lumabas sa kwarto dala dala ang cellphone ko. Nadatnan ko naman yung kuya ko sa sala.

"O san ka pupunta?" Tanong niya pero nasa Tv parin nakatingin.

"Diyan lang sa garden. Sina Mommy nga pala?"

"Si mom nasa kwarto na nila natutulog. Si dad naman nasa office pa"

Tumango naman at nagpatuloy na sa paglalakad. Kumuha muna ako ng isang bulaklak at umupo na sa may bench.

Pinitas ko ang isa isa ang petals ng bulaklak.
"I chachat"

"Hindi"

"Ichachat"

"Hindi"

"Ichachat"

"hindi"

.

.

.

"Ichachat" sabi ko ng pitasan ang huling petal.

Ichahat ko ba?

Message

Drake Sarmiento
5:33 pm

Samantha: Hey!
✔️seen

Drake: Hey
✔️seen

Hindi ko alam kung ano ang irereply ko. Tatanungin ko ba kung magkakilala sila ni Zach o galit ba siya sakin? Hays.

Samantha: Ano nga palang kailangan mo kanina?
✔️seen

Drake: Ah yun ba? Wala.
✔️seen

Samantha: Ahh sige
✔️seen

Matapos kung sabihin yun, hindi na siya nag reply. Galit ba siya? Teka, ba't naman siya magagalit? Wala naman akong ginagawang masama ah? Bahala nga siya sa buhay niya!

Bumalik ako sa loob ng bahay at umupo sa tabi ng kuya ko. Kumuha naman ako nung pagkaing kinakain niya pero tinampal niya yung kamay ko.

"Kumuha ka nga dun. At ba't kaba nakabusangot diyan? Lalo ka tuloy pumapanget" natatawa niyang sabi.

"Wag mokong simulan bwesit ka. Kala mo naman ang gwapo gwapo mo! Che!" Sabay bato ng unan.

"Hahahahahaha pikon talaga tong panget nato"

"Isa nalang James, isa nalang. Gago ka!" Sigaw ko sakanya.

"Gwapo hindi Gago. Pfft oh awat na awat na. Mag kuya ka nga, mas matanda pa ako sayo at Ba't kaba kasi nakasimangot ha?"

"At kailan kapa naging tsismoso?" Nakataas na kilay kong tanong sakanya.

Sasagot na sana siya ng bumaba na si Mommy.

"Hi mom!" Tumabi naman samin si mommy.

"Mom, ba't ganyan mukha ni Sam? Ba't ako pogi siya ano..." sinamaan ko siya ng tingin at pinagpapapalo ng unan.

"Mommy oh! Bully!"

"Tama na yan. Ikaw James wag mo nangang inaasar tong kapatid mo" natatawang sabi ni mommy

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?"

Nabaling ang tingin namin kay daddy na kakadating lang galing office. Isa isa naman kaming humalik sa pisngi and ofcourse sa lips si mommy.

Umupo sa dad sa isang sofa kaya lumipat ako at umupo sa tabi niya.

"Daddy" napalingon naman si daddy at sina mama.

"May ipapabili nanaman yan panigurado pfft" singit ni kuya.

"Epal"

"Ano yung baby" napasimangot naman ako.

"Baby? Dad, how many times do I have to tell you I'm not a baby anymore"

Nagtawanan naman sila kaya mas lalo akong napasimangot. Pero Bigla din naman akong napangiti. I really thank God he gave me the best mom and dad in the whole world. Set aside nalang natin sa kapatid. Hehe kidding. Ganyan talaga kami ng kapatid ko asaran dito, asaran don. Di naman ata yan nawawala sa mga magkakapatid right? Hehe

------

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon