Chapter 7

103 10 0
                                    

Bigla naman akong naawa kay Zach kaya di ko namalayang tumayo na pala ako papunta sakanya at niyakap siya.

Hindi pa ako nagkakaboyfriend pero, ramdam ko yung sakit na pinagdadaanan niya. Medyo naiiyak nadin ako. Petengeneng Michelle yan! Ang Kapal!. Mukha namang pintura yung mukha!

Bigla akong natauhan ng yinakap ako ni Zach pabalik.

"Ah eh hehe, nadala lang" sabi ko na nahihiya sabay lipat sa tapat na upuan.

"Nah It's alright" ngumiti naman siya kaya ngumiti nadin ako. "Salamat."

"huh?" nagtaka ako. ba't siya nagpapasalamat?

tumawa siya ng bahagya. "Salamat at nakinig ka. Nakahinga ako ng maluwag ng may napagsabihan ako sa problema ko."

"Ano kaba wala yun. Tsaka anytime, pwede mo kong pagsabihan ng problema" sabi ko habnag tinaas baba pa yung kilay ko.

tumawa lang naman siya at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.

Ilang oras na kaming nag antay pero wala padin sina Astrid. Tinext ko pero di naman nagrereply, tinawagan ko nadin, di naman sinasagot. Asan naba yung dalawang yun!?

"Hai guys! We're back!" Medyo malakas na sigaw ni Astrid kaya napatingin yung mga tao sakanya.

Hinila ko naman yung kamay niya para maupo. Nakakahiya talaga tong babaitang to. Humarap ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Ba't antagal niyo aber?"

Bigla namang siyang tumingin kay Vince na parang nanghihingi ng tulong pero inisnob lang siya ni Vince.

"Ah.. eh..--"

"Ih oh uh. Tinuloy ko na. So bakit nga kayo late?" Putol ko sa sasabihin niya.

Narinig ko namang natawa ng mahina sina Vince at Zach.

"Yan kasing Astrid gusto atang ikotin tong buong mall. Buti nalang pinaalala ko sakanya na naghihintay kayo" sabi ni Vince na kumakain nanaman ng Ice cream.

"Ba't hindi kayo ma-contact?" Sasagot na sana si Astrid kaso inunahan ko na siya. "Nevermind. So asan na yung pinapabili ko?"

Inabot naman sakin ni Astrid ang binili niya. Sinuot ko ito at napagdisisyonan nanaming umalis.

Pumunta kami sa Arcade Game. Humiwalay naman samin ang dalawa, sina Vince at Astrid. Kami ni Zach na basketball.

"Marunong ka?" Takang tanong ni Zach.

Actually hindi naman talaga ako marunong. May goal kasi ako ngayong pasayahin si  Zach. Alam kong nga peke lang ang ngiti ang pinapakita niya. Tumango naman ako sakanya.

----

Astrid's Point Of  View

"Uy Vince! Kuha mo nga to" sabay turo sa isang teddy bear. Nasa may Claw Machine kasi kami.

"Ayoko nga."

"Aish! Sge naa. Pleaaaase" nag pout ako sabay tingin sa mata niya.

Bigla naman niyan binaling sa iba yung ulo niya at medyo namumula din siya. May sakit?

"May sakit kaba? Ba't ang pulapula mo" nag aalalang tanong ko sakanya.

"Wala. Tara na nga. Kunin na natin yang pesteng Teddy Bear nayan" naiinis niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin at mabilis na pumunta sa Claw Machine.

----
Nakuha ni Vince yung tedyy Bear na Yellow. Sayang! Dapat blue eh pero okay nadin.

"Tara hanapin na natin sila" sabay hila sakanya.

"Hahahaha marunong ka nga talaga" tawa ng isang pamilyar na tao sakin.

"Che! Nagkataon lang kaya na hindi ako marunong ngayong araw!"

Pinuntahan naman namin kung saan nag sisimula ang ingay at hindi nga kami nagkamali. Sina Zach at Samantha nga. Nagtatawanan habang naghaharutan. Tong mga to, kung hindi koto kilala malamang mapagkakamalan ko tong mag jowa eh.

Lumapit na kami sa kanila bago pa umabot sa motel ang kanilang kaharutan. Charot lang haha

"Kumain na tayo gutom na ako" pagmamaktol ni Vince kaya napatingin sila sa direksyon namin.

----

[A/N]

Napaaga uli bes. Bored na bored kasi talaga ako ngayon eh. So, How was it? Lame ba? Share your thoughts people hehez. Gusto ko malaman kung okay lang ba o hindi. So yeah, your Vote and Comment are highly appreiciated. Thanks! Enjoy Reading!

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon