Chapter 17

35 9 8
                                    

"Akala ko ba kakausapin natin si mommy? Andito ba siya?" Tanong ko kay Drake.

Papasok kami isang hindi pamilyar na magandang resort. Walang ka tao-tao, tanging isang guard lang ang nakasalubong namin.

Hindi ako pinansin ni Drake habang hawak hawak lang ang kamay ko.

"Drake, may klase pa tayo."

Hindi parin siya umiimik kaya medyo naiinis na ako.

"Drake!"

Salamat sa diyos at lumingon na siya sakin.

"What?"

"Why aren't you answering me?" Naiinis kong tanong.

"I'll explain it later. So calm down."

Hindi na ako umimik at hinayaan nalang siyang hilahin ako papasok mg resort. Baka andito nga si mommy. Pero bakit hindi sinabi ni mommy na may alam siyang ganito ka gandang resort?

"Sit." Utos niya pagpasok namin sa isang bahay dito sa resort.

Umupo ako sa tabi niya at hinintay siyang magsalita. Ilang minuto lang siyang nakatingin sakin at wala atang balak magsalita.

"Drake, ano ba, may pasok pa tayo."

"Na-excuse na tayo ng mommy mo."

"What?"

"We're staying here for a week to make our relationship good. Malapit na ang debut mo and kasabay yon sa kasal natin. Well, civil." Kibit balikat niyang sabi.

I'm running out of words. "What?" Ang nasabi ko lang.

He just shrugged. "Come on! Let's take a walk." Sabay hila sakin.

Hindi parin mag sink in sa utak ko ang purpose ng pagpunta namin dito. Make our relationship good? Ghad!

"Hey, you're spacing out." Hinarap niya ako sakanya at nagtama ang mga mata namin.

"Ha?"

Mahina siyang natawa at niyakap ako. What the hell? "I've been wanting to hug you like this." Bulong niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. What's happening with him? He's not the Drake I knew. But I'm loving this Drake who's hugging me right now.

"D-drake..." mahinang tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"N-nothing." niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya, pero eeenjoy ko nalang ang momentong ito.

-

"Kaninong resort to?" basag ko sa katahimikan. Matapos kasi ng yakapan namin kanina, napagdesisyonan naming kumain. Madilim nadin kasi.

"A gift from my parents."

bigla akong nabilaukan. Dali dali naman niya akong inabotan ng tubig.

"Thank you." Pagpapasalamat ko.

"Okay ka na ba?" tanong niya.

Ngumiti naman ako, "I'm good. Thanks"

"So where were we?"

"Is this resort really yours?" manghang tanong ko.

"Nope," umiling siya. "It's ours. An early wedding gift from my parents."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Am I really going to marry this guy? Noon, patago ko lang siyang minamahal- well, kahit naman ata ngayon ay patago parin but I'm marrying him. Isn't it one of best thing happen in your life is to be married to someone you love? how could this be so possible.

"Hey, your spacing out again. " pagpukaw niya sa atensyon ko, "What's going on inside that pretty little head of yours?"

ngumiti ako sakanya, "Wala."

"Anong gusto mong gawin pagkatapos nating kumain?" kapag kuawang tanong niya.

"Ano bang maganda? Gabi nadin naman. Magpapahinga nalang siguro ako." Sabi ko.

Hindi nanaman siya umimik at nagpatuloy lang sa pagkain.

Nasa labas kami ng ngayon at nakatingin lang sa karagatan. Napakamatiwasay ng dagat ngayon. Andami din bituin. Nung magpapahinga na kasi dapat ako kanina, inaya niya akong mag star gazing.

Tumingala lang ako sa langit ng maramdaman kong humiga sa hita ko si Drake at ipinikit ang mata niya. Nung una nabigla ako pero kalaunan, sinuklay suklay ko na ang buhok niya.

"What made you change your mind?" Basag ko sa katahimikan habang nakaunan parin siya sa hita ko.

Tumingin naman siya sakin na parang nagtatanong kung ano ang ibig kong sabihin.

Nababuntong-hininga ako, "I mean, dati ayaw mong mag pakasal sakin. But now, you want to make our relationship good." Ano nga bang relasyon namin?

Ilang minuto din siyang nakatitig sakin bago ibalik sa langit ang paningin, "Narealize ko lang na wala din naman akong magagawa kung aayaw ako. Might as well go with the flow."

So, Napipilitan lang siya? Mapakla akong natawa sa isip ko. Bakit nga ba kasi umaasa pa ako na kagustohan niya yun.

[A/N] So yeah, ngayon lang gumana si Brainy. Nabusy kasi ako sa school you know. School sucks huhu but anyways, here's the update. Sorry kung natagalan. Enjoy Reading! Kung may nagbabasa pa _ I hope.

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon