Chapter 14

55 8 1
                                    

3rd Person'd POV

"What? No! I'm not yet ready mom" naiinis na sabi ni Drake sa kabilang linya. Habang nagbabasketball kasi ito, biglang tumawag ang ina.

"But baby, you have to do this. Matagal na naming pinagplanohan to" mahinahong isambit ng ina nito.

Napasabunot ito ng buhok dahil sa inis. "No! I'm too young for that mom! Ayoko"

"Wala ka ng magagawa Drake. Our decision is final" may diing sabi ng kanyang ina saka siya binabaan ng telepono.

Pinagsisispa-sipa niya ang gusaling nasa gilid niya. Fuck! Fuck! Gusto niyang magwala at hindi sundin ang ina niya pero hindi pwde. Hindi niya pwdeng suwayin ito!

Sam's POV

"Mom? San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko kay mommy habang naglalagay ng konti kolorete sa mukha "Bakit kailangan ko pang mag ayos ng ganito? It's just a simple dinner?"

Imagine, naka dress ako at hills. Pwde namang mag jeans nalang o skirt.

"They're our long time friend of your Daddy, Sam. You have to be presentable in front of them." Sabi niya.

Bumuntong hininga nalang ako saka nag patuloy sa ginagawa ko.

NASA isang mamahaling restaurant kami ngayon kaharap ang isang mag-asawang, kaibigan daw nina mommy.

Napatitig ako sa mag-asawa. Biglang may lumitaw na imahe sa utak ko kaya napahawak ako sa ulo dahil sa sakit.

"Honey, are you okay?" rinig kong tanong ni Mommy.

"Nakahawak padin ako sa ulo. Nagpaalam muna ako at pumunta ng banyo.

What was that? Was that my memories? Pero kung memories ko yun, bakit andon yung mag-asawang yun? Aish! Baka nakilala ko sila dati nong bata pa ako. Yeah yeah, baka yun nga.

Bumalik na ako sa table namin.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Daddy.

"I'm okay. No need to worry."

"By the way, this is our daughter Samantha." Pagpapakilala ni mommy.

"Aww you're daughter is so lovely on her dress" ani ng babae.

"Syempre saan paba mag mamana?" Natatawang sabi ni mom "By the way Sam, they're your Tita Sandra ang Tito Mike" pagpapakilala ni mommy sakanila.

"Hi po" magalang kong bati sakanila.

"Bagay na bagay kayo ng anak namin!" Ani ni Tita sandra na tila parang kinikilig pa.

"Speaking of, where's our son honey? Is he coming?" Sabat ni tito mike.

I don't have any single idea of what they're talking about.

"Oh there he is!" Mahinang sigaw ni Tita sandra.

Gusto kong lumingon kung sino yun kasi nakatalikod kasi ako sa pinto pero tinatamad ako kaya hintayin ko nalang.

"What now mom?" May inis na sabi niya.

Bigla akong hindi makagalaw sa kinauupoan ko. I knew that baritone voice. Bigla bumilis nag tibok ng puso ko at dahan dahan akong lumingon sakanya at nagtama ang mga mata namin.

"Sam? What are you doing here?"

"Drake..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"So you knew each other. That's good! Hindi tayo mahihirapan. Sit down son" ani ni tito mike.

Nakatingin padin sakin si Drake na parang hindi makapaniwala

"Let's eat first" masayang sabi ni mommy.

Sumang-ayon naman sila pero ang mga mata ko ay nakatuon parin kay Drake na nakatingin sakin na parang naiinis. What the hell did I do?

"May sasabihin kaming sainyong dalawa sainyo." Sabi ni Tita Sandra.

"No mom! Mawalang galang napo—" tumingin siya kay mom and dad bago tumingin sa magulang niya "—Pero hindi niyo po yun pweding ituloy. We're too young for that." may halong inis niyang sabi.

"Hindi naman namin kayo minamadali iho, sinabihan lang namin kayo para pag nasa tamang edad na kayo— I mean ang anak namin, you're 19 now right? Para pagdating niya sa tamang edad, ready na kayo. Hindi na kayo magugulat" paliwanag ni daddy.

Nakatingin lang ako sakanila dahil nagugulohan

"But sir, kahit naman tumuntong siya ng 18, masyado pa po kaming bata para diyan—"

"What's happening?" Sabat ko dahil gulong gulo na ako.

"Hindi mo alam?" Medyo inis na sabi ni Drake.

"Mag tatanong ba ako kung alam mo?"

"Magpapakasal kayong dalawa" sabi ni mom.

Bigla namang napantig ang tenga ko sa narinig. Kasal? This is insane!

"Come again mom? Mali ata yung pagkakadinig ko"

"Magpapakasal kayong dalawa ni Drake"

"What?! Bakit naman kami magpapakasal? We don't love each other." may halong inis niyang sabi. May parang kirot akong naramdaman. Nga naman, hindi nga naman namin mahal ang isa't isa. Ako lang naman kasi ang nagmamahal saming dalawa.

"He's right. We don't love each other, so why are we getting married? Damn it!" Nakayuko kong sabi. Naiiyak ako shit!

"Watch your mouth young lady" may diing sabi ni daddy kaya napaupo ako.

"Gustohin niyo man o hindi, magpapakasal kayo. And After 4 months nayun. End of our discussion. And don't make me repeat my self again" saka tumayo si daddy at umalis. Sumunod naman si mommy at tinignan ng masama ng magulang niya si Drake.

Naiwan kaming dalawa ni Drake na walang imik.

"Fuck! Fuck! Damn it!" Rinig kong sunod sunod niyang pagmumura.

Ayaw niyang bang makasal sakin? Oh come on Sam! Syempre ayaw niya! May Girlfriend siya diba?! At hindi ka niya mahal. Ouch. Reality sucks.

"I'm sorry. Susubukan kong pigilan ang parents ko. Ayoko din namang makasal sayo" sabay tayo at lakad palabas ng restaurant.

Oo, ayoko pang makasal dahil bata pa ako. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan. It hurts like hell.

———

(A/N) Andami naming homeworks kaya ngayon lang ako nakapag-update. Salamat sa mga nagbabasa. Labyu all <3

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon