[6]

6.1K 258 29
                                    


(LANNAH'S POV)

Madilim. Yan ang una kong napansin nung dumating ako sa bahay namin. Kagagaling ko lang sa fieldtrip namin. Sabi sa akin ni mommy at daddy, susunduin nila ako pero alas diyes na ng gabi, wala pa rin sila. Sinubukan na rin silang tawagan ng teacher ko pero hindi sila sumasagot.

Galit at inis. Yan ang nararamdaman ko. Palagi na lang nilang hindi tinutupad ang mga pangako nila sa akin. Palagi na lang silang busy sa trabaho. Napatingin ako sa teacher ko. Pati siya ay naiinip na rin kakahintay sa mga magulang ko. Habang abala siya sa pagdutdot sa cellphone niya, naisipan kong takasan siya at umuwi nang mag-isa.

Nasa gate pa lang ako, napansin kong madilim ang bahay namin. Napakunot ang noo ko. Kahit na madalas na ginagabi sila mommy at daddy dahil sa trabaho, maliwanag pa rin ang bahay namin dahil may mga katulong kami na siyang nag-aasikaso sa amin.

Bago ako pumasok sa loob, lumingon-lingon muna ako sa paligid. Tahimik na ang buong subdivision marahil ay dahil gabi na. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakabukas ang gate ng bahay namin pero sarado ang pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto namin at maingat akong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob, nakaramdam ako agad ng matinding kilabot sa buo kong katawan at hindi ko alam kung bakit. Hinubad ko ang suot kong sapatos at tinira ang mga medyas ko para hindi ako makagawa ng ingay. Tumakbo ako papunta sa kwarto ng tatlo naming katulong na malapit sa kusina dahil naisip kong baka natutulog lamang sila. Hindi pa man ako nakakarating doon nang may matapakan akong tila isang tubig dahilan para madulas ako.

"Ah." Sabi ko sa munti kong tinig at sinubukan kong tumayo.

Halos mapasigaw ako nang makita si Rina, isa sa mga katulong namin, na nakahubad at wala nang buhay. May gilit ang leeg niya at umaagos pa ang sariwang dugo mula dito. Tiningnan ko ang suot kong uniporme. Punong-puno na ito ng dugo at ang mismong kinauupuan ko ay puro dugo din.

"D-Dugo." Naiiyak kong wika.

Kahit na nanghihina sa nakita, pinilit kong tumayo at doon ko nakita ang dalawa pa naming katulong na nakabulagta sa lamesa. Tulad ni Rina, wala na rin silang mga damit at may gilit ang mga leeg nila. Unti-unti na akong naiiyak at pakiramdam ko'y bumabaligtad ang sikmura ko. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko na masuka. Lumapit ako kay Sanya, isa sa mga katulong namin na nasa lamesa. Ipinikit ko ang mga mata nya dahil dilat na dilat pa ito. Nasa ganoon akong sitwasyon nang makarinig ako ng mga yabag galing sa taas.

Agad akong tumakbo papunta sa kusina at nagtago sa isa sa mga kabinet na nandoon. Mula sa siwang ng kabinet, nakita ko ang limang lalaking bumaba mula sa itaas ng bahay namin. Lahat sila'y mga walang suot na damit pantaas at ang isa pa'y nagsusuot ng pantalon at ang apat nama'y nag-aayos ng kani-kanilang sinturon habang naghahalakhakan.

"Masarap pala ang misis ni Raegar." Wika nung lalaking nagsusuot ng pantalon.

"Oo. Hahahaha. Mas masarap pa siya kesa sa tatlo nilang katulong. Kahit na nanganak na, maganda pa rin ang hubog ng katawan niya." Dagdag pa nung isa at sabay-sabay silang nagtawanan.

Napatakip ako sa bibig ko at naglabas ng impit na iyak.

"Anong ginawa nila sa mommy ko?" tanong ko sa isip ko.

"Teka, narinig mo ba yun?"

"Ang alin?"

"Parang may humikbi?"

"Humikbi?"

Mas lalo kong tinakpan ang bibig ko at pinigilan ang sarili ko na umiyak. Hindi nila pwedeng malaman na nandito ako. Hindi pwede.

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon