[16]

6K 253 75
                                    

(LANNAH'S POV)

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad na kumunot ang noo ko nang mapagtantong nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot. Mahina kong iniling-iling ang ulo ko para mawala ang sakit.

Bumuntong hininga ako at inalala ang mga nangyari. Naaalala kong pumunta ako sa warehouse ng Interfector Aquila para patayin si Python pero nabigo ako. Naalala ko ring patay na si Once at tinraydor ako ni Blink na inakala kong kaibigan ko. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng matinding pagkalungkot. Naalala ko ring naudlot ang dapat na pagsaksak ko kay Python dahil sa pagdating ng mga pulis na siyang ipinagtataka ko. Paano nila nalaman ang warehouse ng grupo? Sinong nagsabi? Pamilyar din ang boses ng nagtakip sa ilong ko na may pampatulog. Posible kayang si...

Umiling-iling ako dahil sa isiping iyon. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba mula sa kama. Naglakad ako papunta sa pinto at pinihit ito pero nakasarado ito. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang pakinggan kung may tao sa labas ngunit wala akong narinig na kahit isang kaluskos.

Napailing ako at inikot-ikot ang paningin ko para maghanap nang magagamit na pambukas sa pinto ngunit walang kahit anong matigas na bagay dito sa loob ng kwarto. Tanging kama lang ang nandito at isang sofa. Bukod doon wala na.

Naglakad ako papunta sa bintana. Hinawi ko ang malaking kurtina. Kumunot na naman ang noo ko dahil nakasarado mula sa labas ang bintanang gawa sa makapal na uri ng salamin pero sapat lang para maaninag kong napapalibutan din ng bakal ang bintana.

"Teka? Nahuli na ba ako ng mga pulis? Ito na ba ang bagong itsura ng bilangguan?" tanong ko sa sarili ko.

Naiiling na lamang akong bumalik sa kama at umupo. Doon ko lang din napansin na iba na ang suot kong damit at kung hindi ako nagkakamali, panlalaki pa ang suot kong t-shirt at shorts. Inamoy-amoy ko pa ito at amoy pabango nga ng lalaki.

"Shit! Na-rape ba ako?" tanong ko ulit.

"Pero bakit hindi masakit?"

Umiling na lang ulit ako at muling naglakad papunta sa pinto. Muli kong hinawakan ang door knob at akmang bubuksan ulit 'to nang bigla-biglang bumukas ang pinto. Tumama pa ito sa akin dahilan para muntikan akong matumba mabuti na lamang at naibalanse ko ang katawan ko.

Nag-angat ako ng tingin para sana bulyawan kung sino man ang mokong na nagbukas ng pinto at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang seryosong mukha ni Ava na nakatingin sa akin. Ganoon din kaseryoso ang mukha niya noong nagkita kami sa warehouse. Ni hindi man lang ako nakakita ng pagkaawa sa mga mata niya. Nakakahiya mang sabihin pero nasaktan ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin noon. Tila wala siyang pakielam kahit duguan na ako nun.

Pero anong ginagawa niya dito? So ibig sabihin siya nga ang tumakip sa ilong ko? Pero bakit? Diba dapat nasa mga pulis na ako ngayon? Diba dapat nasa bilangguan na ako ngayon?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para tanungin siya pero nilagpasan niya ako. Wala akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin. Lumapit siya sa kamang hinigaan ko at inilapag doon ang ilang piraso ng mga damit pagkatapos ay pinagpagan niya ang kama at inayos ito.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. Nilingon niya ako pero sandali lang iyon dahil muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa ginagawa niya. Napabuntong hininga ako at gustong-gusto ko na siyang sipain sa mga oras na ito at tanungin kung anong problema niya.

Dahil hindi niya pa rin ako pinapansin, padabog akong umupo sa kama dahilan para tapunan niya ako ng masamang tingin.

"Nasaan ako?" bossy kong tanong sa kanya.

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon