[12]

5.8K 251 121
                                    

(LANNAH'S POV)

Tinanggal ko ang hood ng suot kong itim na jacket at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kulungan. Mainit sa lugar na 'to at hindi ko rin gusto ang amoy. Ang iba'y napapatingin pa sa gawi ko. Puro kulay orange din ang nakikita ko.

Yumuko ako at nagmartsa papalapit sa isang bakanteng pwesto. Umupo ako dun at hinintay ang taong ipinunta ko dito. Ilang segundo lamang akong naghintay at iniupo ng dalawang pulis sa harapan ko ang nakaposas pang si Rafael.

Nang maiupo na siya ng mga pulis, iniwan na rin nila kami. Tiningnan ako ni Rafael na tila kinikilala niya kung sino ako.

"Sino ka?" maangas niyang tanong sa akin.

Ngumisi ako sa kanya at mula sa loob ng jacket ko'y naglabas ako ng isang envelope. Binuksan ko ito at mula naman dito ay kinuha ko ang isang litrato at inilatag sa ibabaw ng lamesa. Tiningnan niya ito at awtomatikong kumunot ang noo niya.

"Leonius' sigil? Anong gagawin ko diyan?" tanong niya sa akin.

"I'm Sophia Reed." Saad ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at bigla siyang natawa.

"Anak ni Raegar? Buhay ka pa pala." Pang-iinsulto niya sa akin.

"Oo at nandito ako para tanungin kung sino pa ang dalawang pumatay sa mga magulang ko. Ang tanging alam ko lang ay ikaw at sina Python at Eagle ng Interfector Aquila."

Natawa na naman ulit siya dahil sa sinabi ko. Kinamot niya pa ang batok niya.

"Bata, bakit kailangan mo pang malaman kung sino? May magagawa ka ba? Ipaghihiganti mo ang mga magulang mo? Tss. Hinay-hinay ka lang. Kung ako sa'yo kakalimutan ko na lang ang mga magulang mo. Nabubulok na ang mga yun sa---"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita dahil muli kong inilapag ang isang litrato. Litrato iyon ni Shereen na kinuha ko noong pumunta ako sa school na pinapasukan niya kahapon.

Nang makita ni Rafael ang litrato, agad na namutla ang mukha niya. Nanginginig niya pang kinuha ang larawan at nanlilisik pa akong tiningnan. Nginisihan ko naman siya bilang pagganti. Akmang tatawirin niya ang distansya naming dalawa upang sugurin ako ngunit mabilis na nakalapit ang mga pulis at pinigilan siya.

Pinakalma siya ng mga pulis. Ipapasok na sana siyang muli sa kulungan ngunit sinabi kong wag muna at kakausapin ko pa siya. Matapos kong sabihin yun ay iniwan na kaming muli ng mga pulis.

"Don't you dare lay your filthy hands on my daughter, you dumb cunt!" gigil na gigil niyang sabi sa akin.

"Then tell me who the other two are."

Bumuga siya ng hangin at ilang beses na kinamot ang ulo niya.

"Ano ba talagang gusto mo bata?" iritadong tanong niya.

"So, how should I kill your daughter? Do I need to bring her head to you?"

"FUCK YOU!" mura niya sa akin.

"You choose. Your daughter's life or your comrades' names."

Umiwas muna siya ng tingin bago nagsalita.

"Rick Montes. Jeff Conrad." Halos pabulong niyang sabi.

"Ano?"

Humarap siya sa akin at ikinuyom niya ang mga kamay niya.

"Rick Montes at Jeff Conrad. Sila ang dalawang hinahanap mo."

"Tapos?"

"Anong tapos?"

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon