[18]

5.3K 259 43
                                    


(3RD PERSON'S POV)

Makikita ang kakaibang ngiti kay Ars habang tinutulungan niya ang nanay niya na maghain ng mga pagkain sa lamesa habang si Viper naman ay nasa salas at nakapatong pa ang mga paa sa lamesita habang nanonood ng football at habang naninigarilyo.

"Mukhang masaya ka ngayon hijo." Puna ng nanay niya.

Binigyan niya lamang ito ng isang malawak na ngiti at bumalik na sa kusina.

Matapos nilang maghain ay nilapitan niya ang tatay niya.

"Dad, kakain na." sabi niya dito.

Hindi ito umimik. Bagkus ay tumayo na ito at dumire-diretso sa kusina. Samantala, si Ars naman ay lumapit sa bintana para buksan ang kurtina.

"Bakit mo binubuksan ang kurtina? Gabi na." sita sa kanya ng tatay niya.

"'Coz they just posted a new hot model." Palusot naman niya sabay turo sa malaking billboard na nasa harap lamang ng condo unit nila.

Hindi na lamang umimik ang tatay niya at nagsimula na itong kumain.

Nang tuluyan na niyang mabuksan ang kurtina, sumilip siya sa bintana at sumenyas ng okay sign pagkatapos ay lumapit na siya sa lamesa.

Sa kabilang dako naman, nasa isang abandonadong building si Dark na dalawang libong metro ang layo sa condong tinutuluyan nina Ars. Nang makita na niyang nag-okay sign si Ars mula sa kanyang telescope, agad-agad siyang pumwesto katapat ng isang rifle na kanina pa naka-set up. Sumilip siya sa scope at inadjust ng kaunti upang itutok ito sa ulo ni Viper.

May kalikutan ito habang kumakain dahil nag-uusap sila ng nanay ni Ars. Panay ito tango at iling pero hindi nagsasalita. Tila di siya interisado sa kinekwento ng nanay ni Ars. Nang uminom ito ng tubig, napakagat si Dark sa labi niya at inilapit na ang daliri niya sa trigger para kalabitin ito.

Nang ibaba ni Viper ang basong iniinuman niya, saka nagpaputok si Dark. Dumiin ang hawak ni Dark sa handle ng baril at kagat-labing nanalangin na sana tumama ang bala kay Viper.

At hindi nga siya nabigo dahil bumulagta sa sahig si Viper. Ngiting tagumpay si Dark. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman niya pero hindi niya rin mapigilang mapaiyak.

"Four down." Saad niya na halos pabulong na.

Samantala, bakas ang pagkagulat sa nanay ni Ars nang makitang ang kanyang mahal na asawa ay nakabulagta ngayon sa sahig at naliligo na sa sariling dugo. Natataranta siyang lumapit dito at nanginginig na hinawakan ang mukha nito.

"R-R-Rick... R-Riiick. Riiiiick!" hysterical nito habang garalgal ang boses.

Si Ars naman ay nagkunwaring natataranta. Kunwari ay naiiyak din siya pagkatapos ay nagpaalam siya sa nanay niya na tatawag siya ng pulis at ambulansya ngunit lingid sa kaalaman ng nanay niya, si Dark ang tinawagan niya.

"Hey Ars!" sabi ni Dark mula sa kabilang linya.

"Holy shit Dark! That was so cool! Woah. 2,000 meters ang layo mo pero sapul na sapul sa ulo ang tatay ko." Ligayang-ligayang wika ni Ars pero mahina lamang ang boses niya dahil baka marinig siya ng nanay niya.

"Well, I wasn't named as the greatest sharp shooter of the group for nothing."

"I salute you dude!" nakangiting sabi ni Ars habang nakapamewang at palakad-lakad.

"Four down Ars. Isa na lang at makakamit ko na ang hustisya para sa mga magulang ko."

"Yeah. Call me after you're done killing Jeff Conrad."

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon