[22]

7.3K 255 17
                                    

(3rd PERSON'S POV)

Alas syete pa lamang ng umaga ay mahaba na ang pila sa labas ng OIAM Publishing House. Nagkalat din ang poster na nagsasaad ng "WANTED: SECRETARY". Napailing na lamang si Sophia sa nakita.

Tinanggal niya ang suot niyang shades at pinagmasdan ang building na nasa harap niya ngayon.

"God knows how I badly missed this place." Saad niya sa sarili niya at inipit ang shades niya sa suot niyang blouse.

Naglakad siya papasok sa loob. Nilagpasan niya ang mga nakapila na sinundan naman siya ng tingin. Tila isa kasi siyang modelo na naglalakad. Paekis-ekis ang paglalakad niya at halatang komportable siya sa suot niyang sapatos na may heels.

Pagkapasok niya sa opisina ni Ava, naabutan niya itong naghahanda para sa mga aplikanteng iinterviewhin niya. Nagulat pa ito nang makita siyang nakatayo sa may pinto.

"What are you doing here?" tanong nito sa kanya.

Lumapit siya dito at iniangat ang poster na nakuha niya sa labas pagkatapos ay pinunit niya ito. Naguluhan naman si Ava dahil sa ginawa niya.

"Bakit ka naghahanap ng sekretarya?" tanong ni Sophia.

"Dahil wala akong sekretarya." Mabilis namang sagot ni Ava na sumandal pa sa swivel chair niya.

"Meron."

Napakunot ang noo ni Ava dahil sa sinabi ng babae.

"I'm your secretary, right?"

"That was before." Giit ni Ava.

"Yeah but I don't remember resigning from my post and I'm not fired either so, I'm still your secretary." Saad naman ni Sophia na nakataas pa ang kilay.

Napatakip sa bibig niya si Ava at tila gulat na gulat ang ekspresyon niya.

"Sushmita sen! Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan!" sigaw ni Ava pagkatapos ay tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa babae.

Hinawakan muna niya ang tiyan ng babae bago nagsalita.

"Buntis ka no? Kaya mainit ulo mo?" wika niya.

Mabilis namang tinapik ng babae ang kamay niya at tinaasan siya ulit ng kilay.

"Hindi ako buntis. Nag-negative ako sa sampung pregnancy test na ginamit ko kanina!"

"Ay sayang! Galingan ko next time." Banat naman ni Ava na agad nakatanggap ng kurot sa tagiliran mula sa babae.

"Ipatigil muna ang applyang magaganap. Ako na ang secretary mo and that's final." May awtoridad na sabi ni Sophia.

"Pero hindi nga pwede!"

"At bakit?"

"Hindi kasi ako makakapag-concentrate kapag nandito ka. Sige ka. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo." Pang-aasar ni Ava habang tumataas-taas pa ang kilay niya.

Nairolyo ni Sophia ang mga mata niya dahil sa sinabi ng bakla. Akmang kukunin na niya ang maliit na kutsilyo nya na nakatago sa may bandang hita niya para sana takutin ito pero mabilis na itong tumakbo papunta sa pinto.

"Ito na nga e. Sasabihin ko na!" tili ng bakla.

"Good." Sabi ni Sophia.

"Talaga 'to di mabiro." Dagdag pa ni Ava.

Humarap sa gawi niya si Sophia at sumenyas ng sandali lang. Lumapit sa kanya ang babae at hinawakan ang magkabilang pisngi niya bago siya hinalikan.

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon