[19]

6K 235 108
                                    


(3RD PERSON'S POV)

[AFTER 5 YEARS]

Nakatingin sa labas ng eroplano si Sophia. Maya't-maya ang pagngiti niya at sabik na sabik na siyang makita si Ava. Sa loob ng limang taon, wala silang komunikasyon. Tanging siya at ang tatay lamang ni Ava ang nakakaalam kung nasaan siya. Mas minabuti niyang wag sabihin sa lalaki dahil gusto niyang sorpresahin ito lalo na't dalawang araw na lang ay kaarawan na nito.

Sa loob ng limang taon ay binuhos niya ang buong oras niya sa pag-aaral. Business Management ang kinuha niyang kurso dahil nahilig siya sa mundo ng pagnenegosyo at gusto niyang magpatayo ng publishing house na siyang hahawak sa mga libro ni Ava.

Sa loob din ng limang taon, sinubukan niyang baguhin ang sarili niya. Pinursige niya ang sarili niya na magkilos babae. Mag-ayos ng tulad ng isang tunay na babae. Maging mahinhin hangga't maaari. Naging madalas na rin ang pagsusuot niya ng mga bestida at mga sapatos na matataas ang takong. Hanggang leeg na rin ang buhok niyang dati ay gupit lalaki. Pero may hindi siya inalis sa sarili niya. Yun ay ang paghawak ng baril. Para sa kanya, kakambal na niya ang baril.

"Excited to see him?" tanong sa kanya ni Ars na ngayon ay si Jae na. Nasa tabi niya ito habang naka-de kwatro at nagbabasa ng newspaper.

Tiningnan niya ito at natawa pa siya sa itsura nito. Nakasuot ito ng shades at black suit tapos ay mayroon itong travel pillow sa leeg na kulay pink. Napailing na lamang siya.

"Bakit mo ako tinatawanan?" tanong ni Jae habang naglilipat ng pahina sa newspaper na binabasa niya.

"Don't mind me." Palusot niya.

Tumango naman si Jae pagkatapos ay ibinaba niya ang newspaper na hawak niya at pumangalumbaba.

"Marami ng nagbago sa Pilipinas."

Hindi umimik si Sophia bagkus ay tiningnan niya lang ang kaibigan niya.

"Nakikipagsabayan na raw ang bansa natin sa mga bagong teknolohiya. Bago na rin ang presidente nila. Pagkatapos ng termino ni Duterte, babaeng pangulo ang pumalit. Raim daw ang pangalan. At marami nang nagawa para sa bansa. Ngayong taon nga raw ay hinirang pang Most Influential Woman si Raim sa buong mundo."

"That's a great news." Komento ni Sophia.

"Yeah. Alam mo ba?"

"Hindi pa." sarkastikong sagot ni Sophia.

"Napabilang raw sa mga top grossing movies ang movie adaptation ng The Princess' Reflection at humakot pa ng iba't ibang awards sa buong mundo. Akalain mo yun? Sikat na sikat na ngayon si Ava. May pag-asa ka pa kaya dun?" pang-aasar sa kanya ni Jae dahilan para makatanggap ito ng isang malakas na batok.

Natawa na lamang si Jae dahil sa pambabatok ni Sophia sa kanya. Umayos na siya ng upo at sinandal ang ulo niya.

"Ladies and Gentlemen, we are now approaching Manila where the local time is 8:58 pm. At this moment, you should be sitting on your seats with your seatbelt fastened firmly...."

Umayos na rin ng upo si Sophia at mas lalong tumaas ang sayang nararamdaman niya. Ilang sandali na lamang ay magkikita na sila. Mula sa bulsa ng jacket niya ay nilabas niya ang isang maliit na box . Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang isang white gold na singsing.

"At talagang ikaw pa ang magpopropose sa kanya?" pang-aasar ulit ni Jae.

"It's normal na. Come on Jae! It's 2022 na."

Huminga ng malalim si Sophia bago muling nagsalita.

"Masyado kong pinahirapan yung baklang yun. Kailangan ko namang bumawi."

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon