[EPILOGUE]

11.3K 359 46
                                    


(SOPHIA'S POV)

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Nakapikit ko itong sinagot at hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag.

"HELLO! SINO KA? SAAN MO DINALA SI SOPHIA?!"

Literal kong nailayo ang cellphone ko mula sa tenga ko dahil sa malakas na boses ni Jae.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung ano na namang trip ng isang 'to.

"Anong trip na naman 'to?"

"HELLO! SI SOPHIA KA BA?!"

Nairolyo ko ang mga mata ko dahil sa tanong niya.

"Aba syempre! Sino pa nga ba?"

"TEKA! BAKIT SABI SA NEWS NAWAWALA KA?!"

Inilayo ko ulit ang cellphone ko dahil sobrang lakas ng boses niya.

"Pwede mo bang hinaan ang boses mo Jae? Tsaka pakiklaro yung salita mo."

Narinig kong huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.

"Okay ganito kasi yun. Kalat na kalat kasi ngayon na nawawala ka. Kahit saang news station, binabalita ka. Tulad ngayon. Magbukas ka ng TV mo tapos pumunta ka sa Channel 24."

Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ang TV ko at agad na bumungad sa akin ang mukha ko.

"Isang babaeng nagngangalang Sophia Reed ang nawawala. Huli siyang natagpuan sa ----"

"WHAT THE FUCK?!" mura ko at inilipat ang channel ng TV at ganoon din ang balita.

"SINONG MAY GAWA NITO?!" this time ako na ang nasigaw.

"Hindi ko alam. Nag-freak out din ako nung nakita ko. Baka naman..."

"Baka ano?"

"Baka may gustong maghiganti sa'yo."

"SHIT!" mura ko ulit at agad na binabaan ng tawag si Jae.

Agad na pumasok sa isip ko si Ava. Kung may gustong maghiganti sa akin, tiyak na lahat ng malalapit sa akin ay idadamay nila.

Tinawagan ko ang numero ni Ava. Kagat-kagat ko ang hinlalaki ko habang pinapakinggan ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone niya mula sa kabilang linya. Paulit-ulit ko siyang tinawagan pero paulit –ulit ring 'The number you have dialled is either unattended or out of coverage area' ang sinasagot sa akin ng operator.

Inis akong bumaba sa kama ko at dali-daling nagbihis. Naisip kong puntahan sa opisina niya si Ava. Sana talaga'y walang masamang nangyari sa kanya.

Nasa taxi pa lamang ako, kitang-kita ko na ang malaki kong mukha sa isang billboard katapat ng OIAMPH. Nakita ko ring napapahinto ang mga tao ganoon na rin ang mga sasakyan para lang basahin ang nakasulat sa billboard.

"MISSING: SOPHIA REED" – yan lang ang tanging nakasulat tapos sa gitna ay mukha ko.

Dali-dali akong nagbayad sa driver at bumaba. Baka makita ng driver na ako yung nasa billboard. Pagkababa ko ay agad akong tumakbo papunta sa OIAMPH. Tulad ng sa billboard, nagkalat din ang posters na may mga mukha ko na nakalagay din ay missing. May mga nakadikit pa sa mga standees.

Naikuyom ko ang mga kamay ko at pinagsisipa yung mga standees. Pumasok ako sa loob ng building at laking gulat ko nang mapagtantong walang kahit isang tao. Lalabas na sana ulit ako pero naagaw ang atensyon ko ng isang sobre sa ibabaw ng information desk.

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon