[15]

5.4K 246 43
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Ilang oras nang nakahiga si Lannah. Inabot na sya ng gabi sa kama niya. Nakatulala lamang siya sa puting kisame ng kwarto niya habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ni Ava kung sakaling malaman na isa siyang myembro ng sindikato.

Hindi niya alam ang nangyayari sa kanya. Ngayon lamang siya namroblema ng ganito.

Bumangon siya at nag-unat-unat. Tumayo siya at akmang pupunta sa CR nang tumunog ang cellphone niya. Napailing siya ng makitang si Python ang nakarehistrong tumatawag.

Lumapit siya sa cellphone niya at wala sa mood itong dinampot.

"Ano na naman kayang kailangan ng isang 'to?" tanong niya sa sarili niya.

"Bossing!" kunwari ay masigla niyang bati dito.

"Kumusta Dark?"

Napakunot ang noo niya dahil sa tanong nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya dito.

Natawa ito dahil sa tanong niya pero agad din itong huminto.

"Bring me Ava's head tonight."

Nanlaki ang mga mata ni Dark dahil sa sinabi ni Python.

"Fuck! What do you mean?!" sigaw niya dito.

"I want him dead tonight. Tapos na ang misyon mo sa kanya. Kailangan na nating tapusin ang isang yan."

Napapamewang si Dark dahil sa sinabi ni Python at napakagat siya sa labi niya. Hindi niya rin alam pero may namumuong luha sa mga mata niya.

"B-Bakit? Bakit p-parang biglaan naman? Hindi pa ubos ang pera niya. Hindi pa siya naghihirap. Hindi pa natin siya pwedeng patayin!"

"I don't care. I just want him dead tonight."

"HELL NO!"

Natawa ulit si Python dahil sa pagsigaw ni Dark.

"Yan ba ang nagagawa ng pag-ibig?"

Hindi umimik si Dark. Nanatiling nakakunot ang noo niya.

"Dark, he's out of your league. "

"I don't care." Pabulong na sabi ni Dark.

"Bring him to me tonight or I'll cut Once's throat. You choose dear."

Napahigpit ang hawak ni Dark sa cellphone niya dahil sa banta ni Python.

"A-Anong i-ibig mong sabihin?"

Hindi agad sumagot si Python. Narinig pa ni Dark na naglakad-lakad ito.

"I'll kill Once if you'll disobey me."

"Fuck you!"

"Yeah. Curse me all you want dear. Bring that gay to me tonight or Once will be a dead meat."

Naikuyom ni Dark ang mga kamay niya dahil sa sinabi ni Python. Siguro kung kaharap niya lang ito ngayon, baka napatay na niya ito.

"Bring him to me at exactly 10 tonight and kill him in front of us if you still value your friend's life."

Pagkatapos sabihin yun ni Python, binabaan na nito ng tawag si Dark. Sa sobrang inis ni Dark ay inis niyang itinapon ang cellphone niya at galit na galit itong tinapak-tapakan. Dahan-dahan siyang napaupo sa sahig at humagulgol ng iyak.

Tumungo siya at unti-unti na naman niyang naalala ang mga magulang niya. Ang mga duguan nilang katawan. Ang madilim nilang bahay. Ang duguan nilang mga kasambahay. Naalala niya rin si Ava.

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon