[13]

5.7K 237 63
                                    

(LANNAH'S POV)

Humarap ako sa salamin habang sinusuot ang cap kong kulay itim. Pagkatapos ay kinuha ko ang leather jacket ko at isinuot ito. Habang nag-aayos ay naalala ko ang mga nangyari kanina. Kahit na pigilan ko ang sarili ko, patuloy ko pa rin 'tong naaalala.

"Kiss me back dear." Sabi sa akin ni Ava.

Tila isang password ang sinabi niya dahil noong muli niya akong hagkan, tinugon ko na ang halik niya. Natagpuan ko pang gumagapang ang mga kamay ko patungo sa batok niya. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko at tila nauuhaw ako sa mga halik niya.

Pero agad na nawala ang kasabikang nararamdaman ko nang maalala ko ang mga magulang ko. Sa bawat pagtugon ko sa halik ni Ava, nakikita ko ang duguan kong mga magulang. Naalala ko ang mga pinagdaanan ko noon. Naalala ko kung sino ba talaga ako. Hindi ako si Lannah. Ako si Sophia Reed at nabubuhay ako para ipaghiganti ang mga magulang ko.

Mabilis kong itinulak papalayo sa akin si Ava na siya namang ikinagulat ng huli. Napakunot pa ang noo niya.

"Bakit?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo.

"Umalis ka na." saad ko sa malamig na tono.

"Pero---"

"Just leave." Pagpuputol ko sa kanya at tinalikuran na siya at tinungo na ang kwarto ko.

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Kalma." Saad ko dito at mahina pa 'tong tinapik.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Blink ang tumatawag. Agad ko naman 'tong sinagot.

"Hey Dark! Nasaan ka na?" tanong niya.

"Papunta na." sagot ko naman at binabaan na siya ng tawag.

Bago ko tuluyang lisanin ang kwarto ko, muli ko ulit tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.

"Sorry Ava."

---

Mag-aalas dos na ng madaling araw ng makarating ako sa hideout namin. Nandoon na ang kinse kong kasama. May operasyon kami ngayon at kung hindi ako nagkakamali, sa isang casino ito.

Humatak ako ng isang upuan at dahan-dahang umupo para di ko maabala si Once sa mga sinasabi niya. Ipinagkrus ko ang mga hita ko at pinagmasdan ang mga kasamahan kong seryosong-seryoso sa pakikinig.

"Dark, bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Once dahilan para mapadako ang tingin ko sa kanya.

Seryoso siyang nakatingin sa akin ganoon na din ang mga kasamahan ko.

"A-Ah. Sorry." Ang tanging naisagot ko na lamang.

Napailing si Once pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa sinasabi niya.

"As what I'm saying, Ayu Kona, a Japanese millionaire, beat Eagle in an auction." Sabi ni Once at pinakita niya sa wide screen kung ano ang bagay na napanalunan ni Ayu.

Isa itong replika ng kidlat na gawa sa purong ginto o mas kilala sa tawag na...

"Zeus' golden bolt." Sabi ni Once sabay turo sa larawan.

"May bigat itong 110 grams at nabenta ito sa halagang 300 million dollars."

Literal na napanganga ang mga kasamahan ko dahil sa narinig.

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon