CHAPTER FIVE (Meet The Ex)

30 3 1
                                    

-Kevin's POV-

Pauwi na ko di ko na natapos yung surprise party ni BAM para kay tito at tita kasi biglang tumawag saken si Mama from Paris, tumawag daw yung katulong namen sa kanya kelangan ko daw umuwi importante daw, may tao daw na gustong kumausap saken, kanina pa daw 3pm nasa labas ng bahay namen, ayaw daw pumasok. For God sake its already 7pm ibig sabihin 4hours na sya sa labas ng bahay namen? Sino ba yun?

Papasok na sana ako sa Gate namen nung makita ko SYA. Ang babaeng nag paiyak saken 3years ago.

"Kevin" -SYA

"Anong ginagawa mo dito?" -tanong ko sa kanya.

"Kevin mag usap tayo. Please" -sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Wala na tayong dapat pag usapan Donna. Wala na tayo matagal na." -I said calmly to her.

"Kevin galit ka pa din ba saken? Sorry sa nagawa ko sayo. sorry kung nasaktan kita. Pero Kevin maniwala ka ginawa ko yun para sayo. Ginawa ko yun para hindi ka mahirapan." -sya

"Matagal na kitang napatawad Donna. After all naging mabuting kaibigan ka pa din saken, tsaka pinsan ka pa din ni Melvin, ng bestfriend ko. Sa totoo lang thankful pa nga ako sa nangyari dati,  sa ginawa mo, kasi kung hindi dahil dun hindi ko makikilala si Osang walang magmamahal saken at wala akong mamahalin ng ganito." -totoo yung mga sinabi ko napatawad ko na talaga sya. matagal na.

"Alam mo ba kung gano kasakit para saken yung mga sinabi mo? Alam mo bang ang sakit na marinig mula sayo yung mga yun? kung alam ko lang na magkakaganito, sana, sana nuon palang nag paka selfish na ko. sana nuon palang sarili ko nalang ang inisip ko. sana :'( " sabi nya habang umiiyak.

"Shhhhhhh....... Tama na wag ka na umiyak Donna sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi ko, sorry wag kana umiyak" pang aamo ko sa kanya, habang nakayakap at hinahaplos ang ulo nya. Eto ang kahinaan ko ee ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak.  Don't get me wrong wala na kong nararamdaman sa kanya, mahalagang kaibigan nalang sya para saken, mahal ko si Osang.

"Kevin, Mahal pa din kita bumalik kana sa akin. Please.Kevin kailangan kita" Nagulat ako sa sinabi nya, napabitaw ako.

"Sorry Donna" yun na lang ang sinagot ko at tuluyan na sana akong aalis. Pero napatigil ako bigla dahil sa mga huling sinabi nya, na sobrang ikinagulat ko at ikinagulo ng isip ko.

"May sakit ako Kevin. May cancer ako, stage 3 na. Kevin kailangan kita parang awa mo na Kevin nagmamakaawa ako. Luluhod ako kung kinakailangan balikan mo lang ako Kevin. Kailangan kita ngayon, kailangan kita Kevin."

---

-Switching to Donna's POV-

"May sakit ako Kevin. May cancer ako, stage 3 na. Kevin kailangan kita parang awa mo na Kevin nag magmamakaawa ako. Luluhod ako kung kinakailangan balikan mo lang ako Kevin. Kailangan kita ngayon, kailangan kita Kevin"  -yan ang mga huling salitang sinabi ko sakanya , tumigil sya. Kala ko babalik sya saken. Pero hindi, hindi na sya humarap tuluyan na syang pumasok sa bahay nila. At naiwan akong umiiyak. Ang sakit.

"Ate tara na! tama na ate umuwi na tayo, hindi na lalabas si kuya Kevin. Tama na ate. Makakasama sayo yan" -sabi ni April Rose nakababata kong kapatid. Nakakahiyang makita nya ko na ganito. Never ako umiyak sa harap ng family ko. kahit hirap na hirap na ko sa sakit ko hindi ako nag pakita sa kanilang mahina ako. Tapos ngayon? haiiist.

"Tara na nga umuwi na tayo." -sabi ko kay April, pinunasan ko na ang luha ko at tumayo.

Tumango na lang si April at sumunod sa akin.

---

-Still Donna's POV-

"Mahal na mahal pa rin kita Kevin" sabi ko habang umiiyk at nakatingin sa picture namen ni Kevin. Ang saya pa namen sa picture na to. Kitang kita sa mga mata namen kung gano namen ka mahal ang isa't-isa. Pero ngayon, dahil sa katangahan ko nawala ng lahat.

"Ginawa ko yun dahil sayo Kevin, *sniff* ayaw kita masaktan dahil saken, *sniff* ayokong makita kang umiiyak dahil may sakit ako, dahil mamamatay ako. *sniff* Pero wala nasaktan pa din kita. Sana talaga naging selfish na lang ako. *sniff* edi sana nasa akin ka pa! ako pa din ang mahal mo *sniff* Akala ko kakayanin kong wala ka sa buhay ko. akala ko kaya ko. Pero mali pala. Kasi yung totoo hindi ko kaya." para akong tanga dito na umiiyak at kausap ang picture ni Kevin.

"Kevin balikan mo naman ako oh. Kahit hindi mo ko mahal kahit awa lang ang dahilan Kevin ayos lang bumalik ka lang saken. hindi ko kayang makita ka sa piling ng iba Kevin. Ang sakit sobra" -paglilitanya ko pa din. Alam ko ang pathetic ko. ang selfish ko pero wala akong pakialam.

"Ate!" tawag saken ni April Rose.

"oh ikaw pala"i give her a weak smile.

"Ate andito ako. kung kelangan mo ng maiiyakan nandito ako Ate makikinig ako sayo o kaya pwede mo din ako maging panyo ate. Hindi ka nag iisa, nandito ako." -sabi nya and she gave me a warm hug. nung ginawa nya yun lalo akong humagulgol yung iyak na pinipigilan ko 3years ago lumabas na, iniyak ko lahat sa bisig ng kapatid ko.

"Magiging ok din ang lahat Ate sa ngayon iiyak mo lang yan. Ilabas mo" -nanatili kame sa ganung posisyon hanggang sa nakatulog na ko.

---

A.N:

      ok hanggang dito muna :) masyadong madrama ang takbo ng storyang to. Ano na kaya ang mangyayarib sa kanila. Ano kaya ang gagawin ni Kevin.?  Abangan xD Sana nagustuhan nyo.

                                                                                                                                                                            dmfe28

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon