CHAPTER FOURTEEN (Magulong Chapter)

64 3 0
                                    

-Kevin's POV-

Nakakayamot talagang kelangan sa harap ko pa sila mag paka-sweet ng ganun buti nalang kaya ko pa pigilan yung sarili ko pero konti nalang sasabog na ko.

"Kevs aray masakit, bitawan mo muna ako" Sa sobrang pagka-bwisit ko halos makalimutan kong kasama ko nga pala si Donna at hatak hatak ko sya.

"Sorry Donna masakit ba? sorry" sabi ko habang tinitingnan yung wrist nyang namumula sobrang higpit pala ng pagkakahawak ko sakanya.

"Ok lang" sabi nya sabay batak ng kamay nya palayo sakin "umuwi na tayo pagod na ko." dirediretsyo syang pumasok ng sasakyan pero bago sya pumasok nakita ko yung luhang tumulo sa mata nya. Lalo akong nabwisit sa sarili ko kasi napaiyak ko na naman si Donna.

"Donna. Sorry don sa kanina" pagbasag ko sa katahimikan. nasa loob kame ng sasakyan.

"Mahal mo ba talaga ako Kevin?" nabigla ako sa tanong nya kaya napreno ko bigla yung sasakyan at tumingin ako sa kanya. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Wag mo na sagutin yung tanong ko alam ko na ang isa----"

"Mahal kita Donna. Mahal na mahal kita" bilang isang napakahalagang kaibigan gusto ko sana idugtong kaso ayoko sya masaktan.

"Pero hindi yun yung nararamdaman ko Kevin wag ka na mag sinungaling lalo mo lang pinapalala yun sit-----" pinutol ko na yung sasabihin nya hinalikan ko sya, alam kong mali to alam kong pag nalaman nya yung totoo masasaktan lang din sya tama si Melvin pero mukang eto talaga ang nakatakda siguro kame talaga ni Donna ang para sa isat isa. At si Melvin alam kong hindi nya sasaktan si Osang gaya ng ginawa ko. Kelangan ko na siguro tumupad sa pangako, natalo ako ni Melvin kaya gaya ng napag usapan hahayaan ko syang unti unting agawin si Osang sakin.

"I Love You Donna" sabi ko pagkatapos ko syang halikan.

"I love you too Kevin" sagot nya sakin ng may matipid na ngiti.

---

"Sorry sa mga nagawa ko Donna ha! Alam kong pare parehas tayong masasaktan. Pero eto lang yung alam kong paraan, kaya ko naman sigurong mahalin ka ulit diba? tutal ikaw naman yung first love ko nauna ka kaysa kay Osang siguro kaya ko namang mahalin ka ulit katulad nung dati diba? Basta tulungan mo lang ako" sabi ko sabay halik sa may buhok nya, 3am na ng madaling araw ang himbing na ng tulog ni Donna pero ako gising na gising di ako makatulog. Ang daming napasok sa isip ko. Hinalikan ko ulit si Donna this time sa labi na pinakiramdaman ko yung sarili ko.

"Fuck!" napatigil ako sa ginagawa ko at agad lumabas sa kwarto.

---

Nandito ulit ako sa mini bar ng bahay namen umiinom na naman ako. Hindi ko gusto yung nangyayari sakin. Buti nalang kahit gumaganti si Donna ng halik ko ay tulog sya. Kala nya siguro panaginip lang. Buti hindi nya narinig yung mga sinabi ko. Habang naghahalikan kame ni Donna kanina bigla kong napabulalas ang pangalan ni Osang tinawag ko sya. Naimagine kong si Donna ay si Osang

"Fuck dammit" sabi ko at naibato ko yung basong may laman alak.

"Hindi ka ba talaga aalis sa isip ko? Gusto ko ng mahalin ulit si Donna at ikaw kay Melvin kana atleast si Melvin di ka sasaktan" muka akong tanga na kausap yung picture namen ni Osang yung regalo nya sakin nung nakita nya kame ni Donna sa kwarto ko.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, alam ko mahihirapan ako oo minahal ko si Donna pero ayoko lokohin yung sarili ko mas mahal ko si Osang. Pero kelangan kong sumunod sa kasunduan. Nilunod ko nalang ang sarili ko sa paginom ng alak. hanggang sa nakatulog na ko ng hindi ko namamalayan.

---

-Osang's POV-

"sabi ko na nga ba ee may dahilan talaga si Kevin. Kawawa naman pala si Donna" sabi ni Teshia, maaga kasi kame pumasok tinawagan ko sya kagabi sabi ko agahan nyang pumasok sinabi ko naman kay Melvin na wag muna ako sunduin mamayang uwian na lang ako sasabay sa kanya. Yan amg reaksyon ni Teshia nung kinuwento ko yung mga sinabi saken ni Melvin kagabi.

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon