CHAPTER TWELVE (BFF)

45 3 0
                                    

-Osang's POV-

Unti unti kong minulat yung mata ko. Nasan ako? Yung kanina? Nang maalala ko yung mga nangyari kanina di ko mapigilang mapaluha lalo na pag naiisip kong wala na, wala na kame ni Kevin.

"Best" nung marinig ko yung boses ni Teshia pinunasan ko yung luha ko.

"Haaaayy best buti naman at gising kana. lunch break na po kaya napasarap ka naman sa pag tulog :) eto oh bumili na ko ng lunch naten" sabi ni Teshia habang hinahanda.yung pagkaing binili nya.

"Naku naman best hindi ka ba pumasok? Ilang subject din yung hindi mo napasukan ah. Ikaw talaga dapat.di mo na ko binantayan inatake lang naman ako ng asthma ee" napatigil sa pagayos ng pagkain si Teshia. Tumingin sya saken ng diretsyo sa mata "Oh problema mo best?" pagtatanong ko sakanya ang weird kasi nung reaction nya ee.

"Best hanggang kelan?" -Teshia

"Anong hanggang kelan? anong sinasabi mo?" -Ako

"Hanggang kelan mo ililihim sakin yung totoong kalagayan mo?" may tumulo ng luha sa mata ni Teshia

"A....alam mo na?" -Ako

"Yung sakit mo best? Oo alam ko na" -Teshia

"Kelan pa? sino nag sabi sayo? si kuya ba? haay si kuya talaga sabi ko naman wag sabihin sayo ee" -Ako

"Hindi. Walang sinasabi ang Kuya mo. Nalaman ko nung anniversary pa nina tito at tita inatake ka nun diba? Narinig ko lang sa Doctor. Best wala ka bang tiwala sakin? bakit ayaw mong ipaalam yung kalagayan mo? Wala na ba kong kwenta para sayo Best? Kala ko ba bestfriend tayo? pero bakit ganito?" -Teshia

"No best. May tiwala ako sayo mahalaga ka sakin, kaya di ko masabi sayo yung kalagayan ko kasi bestfriend nga kita ayokong mahirapan at masaktan ka pag nahihirapan ako sa sakit ko. ayokong magbago yung pakikisama mo sakin dahil lang sa lintek na sakit na to. ayokong ituring mo kong fragile kasi ayun ako ngayon. Gusto ko kahit sa paningin nyo lang lang malakas ako, kaya ko. ayoko ng makikita nyo kong mahina" umiiyak na din ako nag iiyakan na kaming mag bestfriend buti nalang at lunchbreak kaya walang tao dito sa clinic.

Niyakap lang ako ni Teshia at nagiyakan lang kame. Kahit di kame magsalita alam namen nagkakaintindihan kame.

"Best kamusta na kalagayan mo? I mean magagamot pa ba yan? Kaya pa ba ng medication?" tanong ni Teshia. Tumingin-tingin muna ako sa paligid kasi baka may ibang taong makarinig mahirap na. tama ng si kuya at Teshia lang ang nakaka alam ng sakit ko dito sa school.

"Sabi nung doctor sa case ko daw much better na mag pa heart transplant na. Kasi yung gamot daw na iniinom ko parang pang alis na lang na panandaliang sakit" -Ako

"Magpa heart transplant ka best" -Teshia

"Ayoko" sabi ko ng nakayuko

"Bakit? anong ayaw mo? Best naman wag mo sabihing iaasa mo lang sa gamot yung sakit mo" -Teshia

"Hindi mo maintindihan best" -Ako

"Ipaintindi mo sakin Best please makikinig ako and I'll respect it" -Teshia

"hhhaayyy may magagawa pa ba ko? kukulitin mo lang ako ee. Sabi nung doctor saken 50/50 daw pag nag pa heart transplant. Natatakot ako na baka pag nag paheart transplant ako di ko kayanin at bigla na lang ako bumitaw. Gusto ko pa kayo makasama. I don't want to take the risk best. Mas gugustuhin kong ganito atleast nakakasama ko kayo." pagpapaliwanag ko kay Teshia tumango nalang sya bilang sagot. Alam kong ayaw nya ng desisyon ko pero sabi nga nya she will respect it.

"Best favor naman oh" -Ako

"Ano yun?" sabi nya habang nakain.

"Pwede bang ilihim naten tong sakit ko? Tama ng tayo tayo lang ang may alam, ayokong kaawaan nila. ayokong ituring nila kong iba, mahina. alam mo na" -ako

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon