CHAPTER ELEVEN (War Freak/Concerned Teshia)

29 4 3
                                    

-Teshia's POV-

Ang tagal naman pumasok ni best usually naman halos magkasabay lang kame nadating sa school o nauuna man ako pero mamaya lang nandyan na sya. Gusto ko pa naman makibalita sa kanila ni Kevin, ano kayang nangyari sa kanila ok na kaya sila. Walangya naman kasi si Osang hindi nagrereply sa text ko pag naman tumawag ako out of coverage, nakapatay yung phone nya, kunakabahan tuloy ako. Umalis kasi ako nung week end ee kasama ko sina mama at papa may pinuntahan kame kaya di ako makapunta sa kanila. Miss ko na nga din si Mhine ee. Tinatawagan naman ako nun, aba dapat lang naku pag sya nagloko pepektusan namen sya ni best.

"Best" pagtawag ko kay Osang bago palang sya papasok sa room nilapitan ko na sya

"Good morning best" sabi ni Osang pero parang may mali bakit parang ang tamlay nya.

"May problema ba best?" panguusisa ko sa kanya pag upo namen.

"Ha!? w..wala best!" -Osang

"Anong wala! halata sa muka mong may problema ka, bakit di pa din kayo ok ni Kevin? Hindi nag work yung surprise mo?" -Ako

"Best ako yung nasurpresa ee" -Osang

"Ikaw na pala ang sinurpresa ee bakit ganyan pa din ang muka mo

parang nalugi?" ee kasi naman sya na pala tong sinurpresa nakabusangot pa sya.

"Ibang klaseng surpresa kasi yung nangyari best ee." nakangiti sya pero alam kong peke yung ngiti na yun kasi sabay ng pag ngiti nya may pumatak na luha sa mata nya.

"Best! Tara na" -Ako

"T..teka best saan tayo pupunta? magbebell na mag start na yung class" sabi ni Osang habang hatak hatak ko sya. Oo hatak ko sya palabas ng room namen dahil alam ko ramdam ko may problema. Isang seryosong problema.

"Let's skip the first subject" sagot ko sakanya.

"Pero best ayoko balik na tayo ng room lunes na lu---" naputol ang pag angal ni Osang nung tumigil ako sa paglalakad dahilan para matigil din sya nasa likod ko kasi sya gawa't hatak hatak ko nga sya.

"Bakit kayo magkasama? At magkahawak pa talaga kayo ng kamay? Ano to Kevin gaguhan?

---

-Switching to Osang POV-

"Pero best ayoko balik na tayo ng room lunes na lu---" naputol yung pagsasalita ko nung tumigil si Teshia sa kakahatak sakin. Nasa labas na din kame ng building konti nalang yung tao siguro pupunta kame sa tambayan malapit na to dun ee. Tatanungin ko sana kung bakit sya tumigil pero bigla syang nagsalita

"Bakit kayo mag kasama? At magkahawak pa talaga kayo ng kamay? Ano to Kevin gaguhan?" parang bigla akong nanghina nung marinig kong sinabi ni Teshia ang pangalan ni Kevin ayoko sana sumilip pero kelangan ko sila harapin ampanget naman atang tignan na nasa likod ako ni Teshia.

"Go..good morning Donna, good morning K..ke..kevin" sabi ko then a big fake smile form in my lips

"Anong good morning ka dyan Best? Tanga ka ba? Yung boyfriend mo may hawak na kamay ng ibang babae tapos babatiin mo pa sila ng good morning?" galit na si Teshia alam ko. Ayaw nya sa lalaking manloloko. At alam kong yun ang tingin nya sa ginagawa ni Kevin.

"Best" hahawakan ko sana yung kamay ni Teshia kaso tinabig nya yung kamay ko. At lumapit sya kay Kevin

*Pak* (A.N: sound effect yan ng pag sampal ok! )

"Teshia/oh my god" sabay namen sabi ni Donna kasi bigla na lang sinampal ni Teshia si Kevin.

"Anong katangahan to Kevin ha! Sira ulo ka ba? Ang kapal naman ata ng muka mo magpakita samen ng kalandian mo kalalaki mong tao masahol ka pa sa babae. Ang kapal ng muka mo!" sabi ni Teshia habang dinuduro pa si Kevin.

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon