CHAPTER EIGHT (Confused)

24 3 0
                                    

-Osang's POV-

"Best alam mo ba yung balita may transferee school mate nga daw naten yun dati ee, sino kaya yun......blah blah blah"

Ang daming sinasabi ni Best pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya, iniisip ko kasi si BAM. Hindi kasi sya nag paparamdam after nung date namen mag wa-one week na din yun, natatakot na ko baka may masamang nangyari na dun. Lagi ko sya tinetext pero di sya nag rereply, pag naman tumawag ako, ring lang ng ring. Hindi naman nya ugali yun. Ano na kayang nangyari dun?

"Hoi best" -Teshia

"Ay butiking tumalon" -napasigaw ako sa gulat pano ba naman etong sira ulo kong best ee hampasin daw ba ako at sigawan. "Best problema mo naman, makasigaw ka" pagrereklamo ko.

"Anak ng tae naman Osang kanina pa ko dada ng dada dito tapos ano muntanga lang ako hindi ka naman pala nakikinig. Tapos tatanungin mo ko kung anong problema? ha! ha?" -si Teshia na nababalutan na ng maitim na aura. Waaaahh naku naman kasi malay ko ba?

"hehehe best sorry (^_^)v" -ako

"haaay bat ba kasi lutang yung utak mo? Dahil ba kay Kevin sa pikon mong bf?" -sya

"Best naman kasi mag wa-one week na syang di nagpaparamdam, dati naman kahit busy sya tinatawagan nya ko. Tapos laging si Melvin na lang ang naghahatid saken pauwi. Nakakahiya na nga dun sa tao baka nakakaistorbo na ko. Every time naman na tatanungin ko sya kung bakit wala si BAM ang isasagot nya lang busy. Haaay best maloloka na ko kakaisip kay BAM. wala akong balita sakanya" paglilitanya ko.

"Wag kana masyado mag isip best. Malay mo naman busy lang talaga kasi isusurprise ka. Malapit na Monthsary nyo next Friday na." pagpapagaan ni Teshia ng loob ko.

"Sabagay. Sana nga :)" pangungumbinsi ko nalang din sa sarili ko.

Nagsimula na yung klase namen pero wala talaga akong maintindihan lutang talaga ang utak ko walang napasok na kahit na ano. Letchugas na BAM naman kasi ee. Sana naman magtext ka man lang. Halos mapuno ng yung note book ko ng sulat na. "bwiset ka BAM. Letche ka" ayan lang ang paulit ulit kong sinusulat.

"Excuse po eto po ba yung room ng BSBA?" sabi nung babae. ayun siguro yung chinichika saken ni best kanina, parang familiar yung muka nya.

"So you're the transferee. Come in introduce your self" Sabi nung teacher namen. Hindi na ko tumingin dun sa transferee wala ako sa mood makipag chu chu sa kanila. Badtrip ako. Pinagpatuloy ko lang ang pagsaksak sa notebook ko. Iniisip ko kasi na si BAM yun.

"Hello, siguro yung iba sa inyo kilala na ko. Nag aral na rin ako sa school na to nung highschool" panimula nung babae. ahh kaya pala parang familiar yung muka nya nag aral sya dito nung highschool, eto kasing school namen may elementary, highshcool at college.

"Sa mga hindi nakakakilala sa akin, at sa mga nakalimot na ako nga pala si Donna Fuentebella nice meeting you all" pagkasabi na nyan bigla akong napatingin sa kanya, bigla akong nabato ni hindi ko nga napansin na nalaglag ko na pala yung ballpen ko. Unti unti syang lumapit saken kasi sa tabi ko lang may vacant seat. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Stupid me bakit nga ba di ko sya agad nakilala.

"D..Donna!?" nauutal ko pang sabi nung napatapat sya sa upuan ko.

"Hello. eto oh ballpen mo, nahulog ata :)" sabi nya habang inaabot yung ballpen ko.

"Sa...salamat" umupo na sya pagkaabot nya nung ballpen ko. Hindi ako mapakali lalong lumipad ang utak ko dahil sa nangyari. Bakit sya nandito? Kala ko ba sa America na sila for good? Alam ba to ni BAM? Kelan pa sya umuwi? Yan ang mga paulit ulit na tanong na tumatakbo sa isip ko.

---

Natapos na ang maghapon ng hindi ko na naman nakikita si BAM uwian na at eto kame ngayon ni Melvin naglalakad, sabi ko nga kanina sya yung naghahatid saken ngayon kasi nga wala si BAM.

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon