CHAPTER THIRTEEN (The Deal)

23 3 0
                                    

-Osang's POV-

"Baby! Baby gising na male-late ka na nyan ee. Nandyan na pati yung sundo mo" aahh sino ba to istorbo naman to ee. Hinataw ko ng unan yung istorbong nangungulit saken.

"ROSE ANNE PAMILAR GUMISING KANA KUNG AYAW MONG BUHUSAN KITA NG TUBIG DYAN" napabalikwas ako ng bangon nung marinig kong sumigaw si kuya at tinawag nya ko sa buo kong pangalan ibig sabihin waaah galit na sya. Sya pala yung nanggigising saken.

"Waaahh kuya sorry! sorry kala ko kasi kung sino. Tsaka kuya antok na antok kasi ang pakiramdam ko." pagpapaliwanag ko sakanya.

"Hay halika nga dito. Pasensya na sa pagsigaw ko ha, siguro kaya ka laging inaantok dahil sa gamot mo. Gusto man kita pagbigyang matulog ee kaso hindi pwede may pasok tayo ee! male-late ka na 7:30 ang pasok mo at 7:15 na po" sabi ni kuya ngayon ko lang napansin na naka-uniform na sya

"Waaaaahh kuya bat ngayon mo lang ako ginising? Naku naman oh" dali dali akong tumakbo sa CR ng kwarto ko.

"Dahan dahan baby baka mapagalitan ako nina mama. hahaha" sira ulong kuya. palagi syang ganyan simula nung umalis sina mama at papa nag punta kasi sila sa Paris business matter daw. Lagi nalang nya ko late ginigising ligong chupol tuloy lagi ang drama ko :3 natapos ko ang morning routine ko in 10mins. Pag labas ko sa kwarto ko wala na daw si kuya. Iniwan na naman ako kasi susunduin nya pa si Best. Napaka walang hiya nun ayaw ako isama sa pagsundo kay Teshia mas muka pa daw kasi kameng mag jewa. sira talaga yun pati ako pinagseselosan. Tsss

"Agang aga ang haba ng nguso mo. Pero maganda ka pa din" pag labas ko ng gate nakita ko SYA nakasandal sa may gilid ng gate namen ang cool nga NYA tingnan ee. Di ko tuloy napigilan ngumiti.

"Kanina ka pa? Pasensya na ha si kuya kasi late na ko ginising ee" pagpapaliwanag ko.

"Hahaha baka napasarap ka lang ulit talaga sa pagtulog mo. Sinisisi mo pa si Kuya Christian." pang aasar nya sakin.

"Ewan ko sayo. Mag sama kayo ni kuya. Parehas kayo" mag wawalk out na sana ako kaso nahawakan nya yung wrist ko.

"Joke lang Osang ang cute mo kasi ee. Tsaka male-late ka na ay tayo pala kaya tara na dala ko yung motor ko" Napaharap ako sakanya pagkarinig ko ng motor.

"Talaga Melvin?" oh kala nyo kung sino noh! Simula kasi nung nagbreak kame ni Kevin may 2months na din yun sya na lagi ang sumusundo at naghahatid sakin. At nainlove ako sa motor nya. trip na trip ko sumakay sa motor nya ewan ko ba kung bakit, parang ang sarap kasi sa pakiramdam na dumadampi yung hangin sa katawan ko.

"Oo dala ko. Kasi inaasahan ko na late ka na naman magigising" -Melvin

"Bwisit ka Melvin! Kung di ko lang mahal yung motor mo ee." -ako

"butipayungmotorkomahalmoehakokelanmokomamahalin" ano daw ang bilis bilis naman kasi magsalita nitong lalaking to.

"Ano?" -ako

"Wala sabi ko ang ganda mo. Tara na at male-late na talaga tayo."

Sumakay na ko sa motor ni Melvin at nagdrive na sya papuntang school nakarating kame agad. Kasi malapit lang naman talaga yung school siguro mga 10mins pag lalakad ka at galing samen pero pag nakasasakyan ka at pag motor ni Melvin ang sinakyan mo makakarating ka with in 3mins.

"Grabe ka Melvin papatayin mo na ata ako ee." agad kong sabi pagkababa ko ng motor. At sya ayun tawa lang ng tawa. Papunta na ko sa classroom ko. Ihahatid nya pa daw ako, sabi ko nga wag na pero mapilit sya kaya pinabayaan ko nalang.

"Melvin mamayang uwian gala uli tayo gusto ko mag joyride" pangungulit ko kay Melvin habang naglalakad kame.

"Ayoko nga" -Melvin

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon