CHAPTER SEVEN (Happy Moments/Kilig Moments part2)

31 3 0
                                    

-Osang's POV-

Tapos na yung mass. Ang saya saya ko ngayon. Nakakatuwa si Kevin kahit medyo parang ang weird nya, kasi bigla na lang syang tititig saken na akala mo ang lalim ng iniisip. Tulad ngayon nandito kame sa Mcdo nakain. Tapos di sya kumakain nakatitig lang sya saken.

"BAM may problema ka ba?" -tanong ko sa kanya.

"Ha? ah eh wa.. wala BAM" -sagot nya sabay yuko. Ang weird nya talaga

"Ok" -sagot ko at tinuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko lang sya baka kasi paranoid lang ako kaya kung anu-ano napasok sa isip ko.

---

Ang dami nameng ginawa ni BAM nanuod kame ng sine, naglaro sa TimeZone. Nag ikot sa mall. Ang kulit nga ni BAM halos lahat ng couple things ee gusto bilhin. Tulad nitong suot namen couple shirt, tuwang tuwa sya dahil dito.

"BAM ang ganda ng shirt mo :) " -sabi nya habang nakaupo kame.

"Hahaha ikaw talaga ang weird mo ngayon BAM lahat na lang halos ng couple thingy gusto mo meron tayo, tulad nitong shirt, key chain, panyo, pati sapatos BAM. hahaha para na tayong kambal nito BAM." -sabi ko sakanya.

"May kulang pa nga dyan BAM :) " sabi nya habang nakangiti.

"Ano naman yun BAM. Tama na to ang dami na neto BAM baka maubos ipon mo hahaha" -ako

"Wala akong pake maubos man ipon ko basta para sayo BAM. Gusto ko maging masaya ka ngayong araw na to BAM." -sya

"Ano kaba BAM di ko kelangan ng mga to IKAW lang sapat na. Masaya na ko basta nasa tabi kita, basta kasama kita at hinding hindi mo ko iiwan. BAM walang iwanan huh! Kahit anong mangyari :) " -sabi ko habang hawak ang kamay nya at nakatingin sa mata nya.

"Mahal na mahal kita BAM lagi mo tandaan yan. Kahit anong mangyari." -ewan ko kung ako lang to pero parang ang lungkot nya. kita ko sa mata nya malungkot sya.

"BAM may problema ba? Kasi kanina ko pa napapansin parang may iniisip ka?" -tanong ko sakanya.

"Ano kaba paranoid ka lang BAM :) walang problema ok. Wag ka mag isip ng kung ano. nandito tayo para magsaya :)" -sya. ngumiti nalang ako. siguro nga paranoid lang ako.

Nagkwentuhan lang kame ng kung anu-ano. tawanan, kulitan. Ganyan naman kame pag magkasama ee.

Ang saya saya ko sobra. Kahit napapagod ako hindi ko iniinda, ayoko na matapos tong araw na to. Sana laging ganito.

"BAM dito ka muna huh! May bibilhin lang ako." -pag papaalam nya saken

"Ok BAM balik ka agad huh :) " -ngumiti na lang sya saken at umalis na.

---

-Kevin's POV-

Iniwan ko muna si BAM sandali kasi gusto ko sya isurprise, gusto ko maging memorable tong araw na to kay BAM pati na din saken. Gusto kong gawin yung mga bagay na alam kong magpapasaya sa kanya ng sobra, gusto kong makita yung ngiti nya na halos pati mata ngumingiti na, gusto ko marinig yung tawa nya na parang wala ng bukas, kasi baka itong araw na to ang huling araw na mapapasaya ko sya ng ganito. Nag sinungaling ako sakanya nung sabihin kong walang problema, di ko kasi dapat sabihin sakanya ayoko syang malungkot. Kaya nga ginagawa ko ang lahat mapasaya ko lang sya. Kahit ngayon na lang. Kaya kahit nakakahiya kahit hindi ko gawain to, gagawin ko para kay BAM, gagawin ko ang lahat para mapasaya ko sya.

"Hello po :) pag pasensyahan nyo na po ang ka-corny-han ko. Pero gusto ko po kasi kantahan yung babaeng nagpapasaya saken, yung babaeng laging nandyan para saken :) Pangarap nya po kasi to ee. Ang kantahan ko sya sa harap ng madaming tao. Kaya kahit nakakahiya gagawin ko po para sakanya. BAM para sayo to. I LOVE YOU."

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon