CHAPTER NINETEEN (THE REAL INTENTION)

24 3 0
                                    

-Osang's POV-

"Best kamusta? ah eh ano sorry -_-" bungad ni Teshia sakin

"Sorry? Hahaha wala yun noh parehas naman tayong walang alam ee" sagot ko sa kanya.

"Ang galing mo dun ha :)"

"Melvin! Donna? napanuod nyo" nagulat ako kay Melvin  nasa likod pala sya ni Teshia kasama nya din si Donna masyado akong space out sa nangyari kanina kaya di ko sila agad napansin.

"Oo ang galing nyo nga ee. lalo yung effect sa dulo yung may luha" Donna said in sarcastic way.

"Ahh Donna wa----"

"Osaaaaanngg ang galing galing nyo maraming salamat! sure win na talaga tayo. grabe bagay na bagay kayo ni Kevin" halos pasigaw na sabi ni Mrs. Reyes habang papalapit saming apat.

"Really ma'am bagay talaga sila ng BOYFRIEND ko?" biglang singit ni Donna

"Who are you Ms.?" mataray na tanong ni Ms. Reyes

"Ahh ma'am si Donna girlfriend ni Kelvin tsaka si Melvin po" pag papakilala ko.

"Ahh Osang alis muna kame ni Donna iuuwi ko muna sya" pag papaalam ni Melvin at umalis na.

"Girlfriend talaga ni Kevin yun? Di sila bagay mas bagay kayooooo" parang teenager na sabi ni ma'am with matching kilig pa.

"hehehe ma'am kayo talaga" -ako

"Ma'am sure na sure na ang free vacation ha!" biglang singit ni Teshia

"Sure! pupunta tayo ng batangas this coming vacation" agad sagot ni Ms. Reyes "oh by the way may gagawin pa ko antayin nyo na matapos yung last band ha! Wag ka muna aalis Osang aakyat pa kayo sa stage para sa awarding!" sabay kindat sakin ni ma'am at tuluyan ng umalis

"Ayos to si ma'am parang teenager ee" -Teshia

"Ikaw best ang kapal ng muka mo!" -ako

"Ahahaha alam mo yan best may free vacation tayo sa batangas! ang saya!" grabe excited na excited ang best ko.

Kung anu-ano sinasabi ni Teshia para naman kame talaga ang panalo. Di ako nasagot sakanya nakikinig lang ako pero wala naman ako naiintindihan nakiimagine ko pa din yung mukha ni Donna may galit sa expression ng muka nya si Melvin malungkot. Di ko naman sinasadya yung nangyari kanina kung alam ko lang na banda pala nina Kevin yung masasalihan ko sana di nalang ako tumuloy, sana di nalang ako pumayag.

---

-Switching to Melvin's POV-

"Hahaha grabe *hik* pinsan *hik* ansaya noh? *hik* yung taong mahal mo at yung taong mahal *hik* ko nagmamahalan *hik* ansaya talaga!"

Nandito kame sa ***Bar ni Donna. Gusto daw nya uminom ksya pinag bigyan ko, sabi nya naman di sya magpapakalasi g pero ayan parang tanga na natawa habang naiyak.

"Pinsan *sob* masama ba kong tao? *hik* Wala naman akong ibang gusto ee *sob* sya lang pero bakit ganun sabi nya mahal nya ko pero *sob* bat di ko maramdaman. yung tingin nya kay Rose Anne sakin dati yun ee *hik* alam mo yun? pero *sob* bakit? bakit ganto? mahal naman nya ko *sob* diba? *hik*" -patuloy sa pag iyak si Donna. Gusto ko sabihin sakanya na si Osang talaga ang mahal ni Kevin pero ayoko na madagdagan yung sakit na nararamdaman nya.

"Tumahan ka na nga! Para kang tanga umayos ka" pag iwas ko sa tanong nya.

Sumubsob na lang sya habang umiiyak, tumungga naman ako ng beer. Madami na din akong nainom. Naaawa ako kay Donna, pati sa sarili ko. nakakatuwa nga naman kame pang mag pinsan ang nakararanas nito. Isang malaking Joke ba tong nangyayari samen?

I Just Want To Be With You (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon