Chapter #2

18 2 0
                                    

Gumising ako ng late dahil sa sobrang pagod.Naunahan na ako ng roommate ko na si Troy, isang fire bender.Siya yung first kong nakilala at naging kaibigan sa academy. Pagkatapos ay lumabas na ako ng dorm para tumungo sa audition room. Nang pumasok na ako ay tila tahimik ang lugar at isa isang nakapila ang mga susubok,may mga natanggal at mapupunta at titira ng panandalian sa failed building.Ang building para sa mga taong kinakailangang mag aral muna tungkol sa mga elements at kung ano ano pa. (Ang boring!).
Dalawang tao na lang at ako na.Pinagiisipan ko muna kung anong style ang mga gagawin ko dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang ability ko.Habang nag mumuni muni,tinawag na ako ng isa sa staff ng University at pumasok na ako sa isang glass room na wala kang maririnig kundi radiation mula sa hangin dahil nakulob ito sa loob ng kwarto.Nag simula na ako kaya pumalakpak  ako na ang ibig sabihin ay senyas 👏. May lumabas na puwersa sa kamay ko kaya nag epekto ito ng maliit na crack sa salamin.Sunod ay Hinawi ko ang hangin at sinimulang gumawa ng mga pattern sa kamay kaya ibat ibang klase ng puwersa ang nagawa ko.Nakapasa ako at sinabing kunin ko daw ang I.D ko bukas sa stock room .Nanduon daw ang pangalan ko section ko at syempre yung ability ko kaya aantayin ko yun bukas.Tumungo na ako sa dorm ko at nanduon na rin si Troy.Nag usap kami tungkol sa audition at sinabi niya na nakapasa rin daw siya.Wala kaming magawa kaya pumunta muna kami sa training field kasama ang ilang estudyante.
Kami ang magkatunggali ni Troy kaya naging maganda ang laban.Nag labas siya ng Fire eagle kaya nag summon ako ng Big vibration na ikinabingi ng Eagle niya.Bumawi ako sa kanya kaya nag labas ako ng air tornado at hinarang niya ito gamit ang fire shield.Natapos na ang laban at walang natalo sa aming dalawa.Kaya't naisipan naming magpahinga at bumili ng makakain sa canteen.
Nilibot namin ang academy at may natagpuan kaming classroom na may dalawang babaeng duguan. (Nag away sila at nauwi sa marahas na pangyayari). Ang isa ay earth bender at ang isa naman ay heavy lifter (Mas duguan ang heavy lifter). Nag pakilala samin ang earthbender at inilahad ang mga pangyayari.Siya si Elexia.

"Sumama kayo sa akin bukas,may ipapakita ako sa inyong isang sikretong lugar at kayong dalawa lang ang unang baguhang estudyanteng nakaalam maliban sa akin" sabi ni Elexia.

Universidad De Fantasia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon