hurt and pain

145 4 0
                                    

TOPPER POV

Maaga akong pumasok sa eskwelahan na pagmamay-ari ng mga magulang ko, nauna pa nga akong dumating sa mga kaibigan ko eh, mag-isa palang ako dito sa classroom namin, at nakikinig lang nang music sa iPhone 12 ko.

Hindi naman malakas ang volume ng phone ko kaya rinig ko parin kong anong nangyayari sa labas nang classroom namin.

Maya-maya nakarinig ako ng mga yapak na nagtatakbuhan na mga estudyante, hindi ko na sana ito papansinin kaso narinig ko sa isang estudyante na may nag-aaway daw malapit sa may bullitin board, kaya lumabas nadin ako para malaman kong sino-sini ang mga nag-aaway at para ma saway ko na din.

Pero pagkadating ko doon ay sina Stacey pala at Bea ang nag aaway, nilapitan ko sila at hinila si Stacey palayo kay Bea kasi dumudugo na ang balikat ni stacey na hawak-hawak ni Bea, at kitang-kita ko sa mga mata nito ang sobrang galit at inis na may halong lungkot? Pero sinigawan ko parin siya para ma divert yung isip ko na wag siyang yakapin.

"What's wrong with you Bea? Why did you hurt her?" Pero tinignan niya lang ako at si Stacey ang sumagot sa mga tanong ko.

"Ba-babe, I just tell her that her boyfriend are getting married soon but she didn't believe me, and look what she did to me huhuhu, it really hurts," alam kong fake lang ang pag-iyak iyak nito, pero sinakyan ko nalang at hinila siya palayo kina Bea at sa mga kaibigan nito.

Dinala ko siya sa clinic at pinag sabihan, dahil parang nanggigil nadin ako sa OA kong girlfriend na parang ang sarap sakalin, si James na dapat ang nagsabi non kay Bea pero paki-ilamira talaga itong si Stacey, kaya sinigawan ko nalang siya.

"Why did you tell her that things? Si James lang dapat ang pwedeng magsabi non sa kanya, ba't ba nangingi-alam ka sa kanila ha? Can mind your own business?" nakita kong natakot siya sa pag sigaw ko sa kanya, kaya napayoko siya.

"So-sorry ba-babe, I-i just..  I-i just...." pinutol ko nalang kong ano pa ang sasabihin nito. Kasi puro nanaman kasinungalingan ang lalabas sa bibig nito, and I'm sick of her drama.

"Just leave them alone stacey ok! leave them alone," sabay labas ko sa clinic at iniwan siya doon, dumiritso na ako sa classroom namin at nakita ko doon si Bea na nakaupo lang sa upo-an niya at tulala, hindi siya na imik, tinitignan lang siya ng mga kaibigan niya.

Nagtuturo na si Ma'am Reyes nang pumasok si James kasama ang fiancee nito, sinabihan ito ni Ma'am Reyes na mag pakilala sa amin, at ng sinabi na nito na fiancee ito ni James ay nagtinginan ang mga ka-klase namin kay Bea.

Umiiyak na siya habang tinitignan si James na naka tingin din sa kanya, pero wala kang makikitang emosyon, sobrang nasaktan siguro ito kasi wala man lang sinabi si James sa kanya, tumayo si Bea at tumakbo palabas.

Hahabulin sana ito ni James pero hinila siya pabalik ni Britney kaya hindi siya nakasunod pa dito.

Alam kong hindi niya gustong saktan si Bea dahil sobrang mahal niya ito, pero nasaktan parin ito nang dahil sa kanya.

BEA POV

Andito parin ako ngayon sa rooftop dito ako dinala ng mga paa ko kanina, hindi parin ako tumitigil sa kaka-iyak.

Luha na para bang hindi ito na uubos.

Hindi nagtagal ay narinig kong bumukas ang pinto nang rooftop, alam kong mga kaibigan ko yon, at hindi nila ako natiis at sumunod sila dito sa akin.

Pero hindi ko inaasahang may sumabunot sa aking buhok at pinag susuntok pa ako, hindi lang yun pinagsisipa pa ako, hindi lang isa kundi apat sila, sobrang sakit na ng katawan ko, kong hindi lang siguro ako nila naunahan ay kaya ko silang labanan kahit nag-iisa lang ako.

Pero dahil bogbog na ang katawan ko ay napahiga nalang ako sa sahig, naririnig ko pa ang mga tawanan nila sa akin.

"Sweet revenge diba Bea? sinagad-sagad mo na kasi ang pasensiya ko sayo, sa lahat ng pagpapakahiya mo sa akin sa buong school na ito, yung pag sigaw ni Topper sa akin kanina ng dahil sayo? if i were you, mag drop out kana ngayon palang sa school na ito, or else hindi lang yan ang aabutin mo sa amin," tinig iyon ni Stacey na sobrang galit na galit, sila pala ang ng bogbog sa akin, kahit hinang-hina na ako, ay sinagot ko parin siya.

"Are you happy now?"

"Actually konti lang, gusto ko pa nga eh, kaya lang next time naman, kulang pa nga yan sa lahat ng ginawa mo sa akin," sabay tawa nito nang malakas "Hahahahahahahaha."

"Patayin mo na ako ngayon pa lang, dahil kong hindi, baka pag gumaling ako, ikaw naman ang mabugbog  ko ng higit pa dito sa ginawa niyo sa akin ngayon," sabay smirk ko sa kanya kahit hinang-hina na ang pakiramdam ko.

"Wag kang magmadali, dadahan-dahanin ko lang muna para masaya," tawanan ulit sila ng mga minions niya.

"Baka magsisi ka sa huli sa disisyon mong yan? Binibigyan na kita ng pagkakata-on ngayon na gawin yun, dahil hinding-hindi mo na mahahawakan ni dulo ng buhok ko paggumaling na lahat ng sugat sa buong katawan ko ugly clown," tinawanan niya lang ako ulit sabay sampal nang sobrang lakas at umalis na silang lima.

Tatlong oras na akong nakatambay dito sa rooftop, nagpapalipas muna ako ng sakit ng katawan ko sa pagbugbog nila Stacey sa akin, ng maramdaman ko ng kaya ko na ang sarili ko, at medyo bumalik na yung konting lakas ko ay tumayo na ako at bumaba nang rooftop, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa classroom namin.

Kumatok muna ako bago pumasok, si Ma'am Chavez ang bumukas ng pinto, nagulat siguro ito sa itsura ko, dahil biglang lumaki ang mga mata nito.

"W-what h-happen t-to y-ou? bat ganyan ang itsura mo? Are you ok?nagpunta kana ba ng clinic?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Ma'am Chavez, umiling lang ako sa kanya bilang sagot.

"Pwede po ba na mauna na po akong umuwi?" Tanong ko naman sa kanya.

"S-sure, go on," pumasok na ako para kunin ang mga gamit ko, pagpasok ko napatayo ang mga kaibigan ko at sabay-sabay silang nagtanong, ang mga kaklase ko naman ay napasinghap lang, sa dami ko ba namang pasa sa mukha at mga braso ko.

Kitang-kita yun kasi dahil narin sa kotis ko ko na sobrang puti.

"Bea what happen to you? Who did that?" tanong ni Ara.

"Saan ka galing Bea?" tanong din ni Love.

"Kanina ka pa namin hinahanap, but we can't find you," sabi ni Tina.

Alam ko naman na hinanap nila ako kanina, pero bago pa sila nakapasok sa rooftop ay nakapagtago na ako sa mga tambak na upo-an doon.

"Sino ang gumawa sa iyo niyan? At babanatan ko rin," tanong din ni Donna na gigil na gigil na ngayon.

"Don't worry about me, sa bahay ko nalang e ki-kwento sa inyo, mauna na muna ako umuwi sa inyo," nginitian ko nalang sila kahit hindi abot sa mata, bago ako umalis tinignan ko muna si James, kinausap ko siya nang mahinahon "Hey!thank's for everything, masakit man itong ginawa mo sa akin ngayon, but ito lang ang sasabihin ko sayo, mahal na mahal na mahal kita, sobrang saya ko na nakilala kita, at dumating ka sa buhay ko, alam mo naman siguro yan, masakit man ngayon, pero....magiging ok din siguro ako sa mga susunod na araw o buwan o taon, sana maging masaya kayo nang fiancee mo, at congrats sa inyong dalawa," nginiti.an ko siya nang tipid, agad naman siyang yumuko hindi ko na nakita kong anong naging reaction niya kasi nanglalabo na din ang mga mata ko sa mga luhang pumapatak sa mga mata ko, at ang huli kong tinignan ay si Topper, nakakunot-noo lang ito habang nakatingin sa akin. "And you!" duro ko sa kanya "Pakisabi sa girlfriend mong mukhang pintura na hindi pa kami tapos, na unahan man nila ako ngayon, pero sa susunod tumingin tingin siya sa palagid niya at baka ako naman ang maka-una sa kanya, at pakisabi na wag na wag siyang mag papakita sa akin pag bumalik ako," inirapan ko lang siya at umalis na ako, sumunod din pala ang mga kaibigan ko, kaya inalalayan nila akong lahat, and im so thankful that i have all of them as my sister's, not by blood, but by heart.

                   ***********
LIKE
COMMENT
SHARE &
ENJOY READING 🥰
😘

THE FIVE UNBEATAVABLE QUEEN'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon