BEA POV
AT PALAWAN
Maaga kaming umalis ng manila papuntang palawan ngayong araw, syempre sumama talaga si Kuya at yung mga kaibigan niya, except nga lang sa kanila Topper at James, dahil hindi sila pwedeng sumama sa amin.
May resthouse na pagmamay-ari sila Manager dito sa Palawan, kaya wala ng problema sa tutuloyan namin, pati nadin sa pagkain. Free lahat para sa amin.
Sa iisang kwarto ay nag sama-sama kaming lima na girls, at sa kabila naman na kwarto ay sila Kuya pati mga kaibigan niya, nagkasya sila doon kahit marami sila, kasi malaki naman ang kwarto nila, syempre pati nadin sa amin, sa ibang room naman ay para sa mga staff ng Company.
Bukas pa naman magsisimula ang photoshoot namin kaya namasyal muna kaming lahat, pumunta kami sa mga souviner shop, botique, mga bilihan nang flip flops at marami pa kaming pinuntahang ibat-ibang store.
Pati mga kainan ay sinubukan na namin pasokin at kumain kami doon, sobrang enjoy nga kami eh.
Nagtatawanan nadin kaming lahat kahit minsan nag kakapikonan na kami sa mga biro ng mga boy's sa amin pero masaya padin.
Nandito kami ngayon sa isang resto bar (take note hindi sa malalaswang bar ok?good) umiinom ang mga boy's, pero kami juice lang, hindi kami pwedeng uminom ngayon, kasi maaga ang photoshoot namin kinabukasan.
Ayoko magkaroon ng hang-over kinabukasan.
"Bea, nasabi na ba sayo ni Manager na may bagong model tayong makakasama bukas?" Tanong sakin ni Donna.
"Hindi ko pa alam, hindi naman nabanggit ni Manager sa akin, bakit meron daw ba?" Tanong ko naman.
"Will, narinig ko lang naman sa mga staff ni Manager, kaya naki chika nadin ako, sabi nga din nila super duper gwapo daw at sobrang hot, makalaglag panty daw (hekhekhek)" kinikilig pa niyang sabi sa akin, baliw talaga.
"Weehh? kahit sino pa yan, mas pogi naman kami don no! diba mga pre?" sabat ni Jasper.
"Oo naman/ yeah mas pogi ako don/ walang wala yon sa kapogian ko/ baka bakla yon sigurado ako/ ako yata pinaka pogi samin," sabay-sabay na sabi ng mga boy's.
"San banda?" sabay din namin na tanong ng mga girl's.
"Uwi na nga tayo, lasing na yata kayo, kaya kong ano-ano na pinagsasabi niyo eh," pangbabara ni Love, kaya nagtayo-an nalang kaming mga girl's, magpapaiwan ata sila kasi hindi sila sumunod samin pag tayo namin.
"Hey babe, hindi kapa ba sasama samin pabalik sa resthouse?" Tanong ni Tina kay Kristof.
"Later babe, sabay nalang ako sa kanila, promise hindi ako titingin sa ibang girl's dito, sa bote lang hehehe," sagot sa kanya ni Kristof.
"Whaaoooh, ang sabihin mo ikaw pa mauunang mangbababae sa atin," sigaw ni Gino, mukhang lasing na talaga ito.
"Oo Tina babaero talaga yan," gatong pa ni Monrey sa sinabi ni Gino.
"Well..... it's up to him if ipagpapalit niya ako sa ibang babae, bye babe," sabay kiss ni Tina kay Kristof, nagkiss nadin si Ara kay Kuya Drake, na una na kaming umalis na mga single.

BINABASA MO ANG
THE FIVE UNBEATAVABLE QUEEN'S
Novela JuvenilLimang mag kakaibigan Puro magaganda Matatalino Mababait din naman kong mabait ka sa kanila At mga MODEL pala sila. Nang lumipat sila sa isang napa ka laking eskwelahan don nila nakilala ang walong nag gagwapohang mga kalalakihan. Unang pagkikita ni...