Moved On

135 2 1
                                    

JAMES POV

Pagkalabas ni Bea at Macky ay tumayo din ako bigla at sinundan silang dalawa, napa-iyak nalang ako bigla ng makita ko silang magkayakap at sobrang sakit ng nararamdaman ko ng marinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa ng Macky.

Ako ang dahilan ng lahat, ang mga pagluha niya, ako din ang dahilan kong bakit siya nasasaktan ngayon at nahihirapan.

Sorry Mahal ko, alam kong hindi sapat ang sorry lang, pero sana mapatawad mo ako.

Bat kasi kaylangan pa namin maghiwalay? Bakit hindi ko man lang siya kayang ipaglaban? Bakit ang duwag-duwag ko? Sana naging matapang ako at naipaglaban ko man lang siya, pero hindi talaga pwede maging kami, masakit man pero siguro malalagpasan din namin ito.

Umiyak lang ako ng umiyak habang nakatingin parin sa kanila Macky at Bea na naglalakad na paalis, naramdaman ko naman na may tumapik bigla sa balikat ko, at alam ko namang si Topper ito, siya lang naman kasi ang nakaka-alam ng lahat. At pakiramdam ko, may gusto din ito kay Bea.

Paalam mahal ko, sana dumating ang araw na mapatawad mo ako sa mga sakit na dinulot ko sa iyo. Mahal na mahal kita Bea.

BEA POV

"Oy Bea, gising na, uuwi na tayo, kahit kaylan talaga tulog mantika ka parin hayytss," yog.yog sa akin ni Ara. I'm half awake that's why I know that it's her.

Hindi ako makabangon kahit gising na ako, kasi sobrang sakit nang-ulo ko.

"Oy Bea baby, tara na, maiiwaan ka dito sige ka," patuloy na paggising sa akin ni Ara.

"Masakit ulo ko Ara," matamlay at namamaos ko na sagot sa kanya, naramdaman ko naman na bigla siyang tumabi sa akin at hinipo ang noo ko

"Oh my god Bea, sobrang init mo, may lagnat ka yata, wait lang tatawagin ko sila," tarantang sabi niya sa akin, at narinig ko nalang na bumukas at sumara ang pinto ng kwarto namin, kaya alam kong lumabas na siya.

Nakatulog ako ulit, kaya hindi ko na alam kong bumalik ba siya agad oh hindi.

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko, lahat-lahat puti, wala ka makikitang ibang kulay, naisip kong baka patay na ako, pero alam ko at ramdam ko na hindi pa.

Bumukas ang pinto at nakita ko na pumasok si Kuya at lumapit sa akin.

"Salamat naman at nagising kana sis, pinag-alala mo kami masyado, ano nararamdaman mo?nagugutom ka ba?"

"Thank's Kuya, but I'm fine now, pero medyo nahihilo pa din po ako, mamaya na po ako kakain," I said in a low voice.

"Ok sis, kong may kailangan ka, sabihin mo lang sa Kuya ok?" tumango nalang ako sa kanya at natulog ulit

Nagising ako ulit na sobrang ingay ng nasapaligid ko.

"Quite! can you see that I am sleeping here?" Sigaw ko sa kanila, kaya bigla silang tumahimik, pero maya-maya biglang sumigaw si Tina.

"Waaaaah Bea baby, gising kana," gosh! kasasabi ko lang na wag maingay🤦

"Whatever Tin, nagising ako sa sobrang ingay mo, your voice is the loudest among them," inirapan ko ito at napapout naman ito

"Magaling kana nga, maldita kana kasi ulit," sabi pa niya.

"Kuya, pahingi ng tubig please," pakiramdan ko ilang taon akong hindi naka-inom sa sobrang tuyo na lalamunan ko.

Inabutan naman agad ako ni Kuya Drake ng tubig, at binigyan nadin ng pagkain, sumabay din sila sa akin kumain.

One week din akong namalagi sa ospital, kaya ngayon sobrang ok na ako, oa lang talaga si Kuya kasi wag daw muna ako lumabas, the fudge, hell no.

THE FIVE UNBEATAVABLE QUEEN'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon