Chapter 8

30 0 0
                                    

Joey

"Is it true about what happened?"

Pinatawag ako ni Evo.

At alam ko kung anong tinutukoy niya.

Lupa kainin mo ako. Utang na loob, kainin mo ko. Huwag mo na akong nguyain kasi masakit, diretso lunok na. Please. PLEASE. PLEASE!!!

I squeaked a yes.

"Grabe!  You were in an extensive workshop for five months, lahat yun naibasura mo, and you acted that unprofessionally in front of Mr. Heiffer, no less!" he screamed.

Hindi na ako umimik.

HUHU.

"EXPLAIN YOURSELF!"

Nasa harap na siya ng mesa nakasandal at nakatingin sa akin.

"H-hindi kasi talaga ako na-orient ng maayo--" hindi pa ako tapos pinutol niya na ako ng, "ANONG HINDI NA ORIENT!? Sinabihan ka sa project na'to diba!? Hindi rin namin alam na kasali si Jasper sa project na'to pero kahit na! You should've acted professionally!"

"A-akala ko kasi ako lang m-mag-iis--"

"Ayan! Diyan tayo sumasablay! Sa akala! Oh tapos ngayon? Mabuti na lang maagap ang PR ng Felicity. Hindi masyadong naging big deal ito and hindi nag-comment si Jasper!"

Hindi na ako umimik.

"STOP THAT!"

"Stop what, Boss?"

"THAT! Hyperventilating!"

Napahinto ako bigla sa paghinga. Ni hindi ko man lang napansin na nag-ha-hyperventilate na naman ako.

Lanny and Jeyn!!! I need you!!!

"Umayos ka nga! I know you're still 19 pero in this industry, you have to grow up," sinabi ni Boss Lopez ang last part na medyo malumanay na.

"Sorry po talaga, Boss. Hindi na po talaga mauulit,"

"Talagang 'di na mauulit. I see na may ilang shooting days pa kayo?"

"Opo, Boss. Meron pa. B-in-ook po nila ako ng 7 days. First day yung kahapon,"

"Ayusin mo na 'yan, Joey ha?" sabi niya. Hindi na galit.

Mabait naman talaga si Boss Lopez eh.

"Opo,"

"Sige. Pwede ka nang umalis," at ngumiti na sa akin, na parang walang nangyari.

 Nakakahiya ka, Joey.

Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon