Chapter 12

35 1 0
                                    

Jasper

Gusto niya maging katulad ko?

Kanina pa ako isip nang isip kung anong ibig sabihin ni Joey sa sinabi niya nung gabi na yun. I should be concentrating on my work out.

Pero eto ako, nakatunganga lang.

Ano ba talaga ibig sabihin ni Joey dun? Idol niya ako? Tomboy ba siya?

...

Ugh! Anlabo talaga nung babaeng yun!

"Hoy!" Sigaw ng isang pamilyar na boses at sabay sapak sa batok.

Lumingon ako at nakita si Evo na nakangiti. Nakasimangot lang ako at di na siya binara.

"Oh? Tahimik mo ngayon ah?" Puna ni Evo.

I just shrugged.

"Galit ka ba kasi ipinaubaya ko si Joey sa'yo kagabi?"

"Di ah," sagot ko.

"Oh? So anong problema?" Tumabi na siya sa kinauupuan ko.

"Wala naman," maikli kong sagot.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya na that girl is making me feel confused. I don't want him to think that that girl is affecting me. Psh. No way.

Hindi na siya nang-usisa pa.

"So, close na kayo ni Joey?" Excited na tanong na lang ni Evo.

"Paano kami magiging close nun eh lasing nga kagabi. Tanga ka?"

Nag-isip siya na parang ngayon niya lang na realize ito. May pagka bobo rin si Evo minsan.

"Oo nga no..." sagot niya eventually.

I just shrugged.

"Palpak. Sa susunod, magiging kaibigan na talaga kayo," he continued.

"Bahala ka sa buhay mo."

Pumunta na lang ako sa treadmill at sumunod siya sa akin.

Mayamaya pa at nagsalita na naman siya.

"Speaking of sa susunod..." sabi niya habang nakatingin sa entrance ng gym.

Lumingon ako sa tinitignan niya at nandun si Joey, papapasok pa lang ng gym.

Tumingin-tingin muna siya sa paligid na parang may hinahanap. Si Evo naman pumunta na sa kanya para sunduin siya.

Para siyang nawawalang pusa, I thought. Sexy-ng nawawalang pusa--

Teka! Ano ba tong pinag-iiisip ko! Bumalik na lang ako sa pagtatakbo.

Pero nasanay kasi akong nakikita si Joey na naka-loose shirts or pants. Nagiging girly lang siya sa photoshoots. Pero on a normal day di siya... babae.

Pero ngayon naka-white tank top siya at fitting black shorts na maikli at white rubber shoes. At may dala siyang racksack.

"Pare, nandito si Joey. Ininvite ko," sabi ni Evo nang nasalikod ko na sila.

Tumango lang ako na hindi lumilingon.

Pumwesto si Joey sa treadmill na nasa right ko at si Evo naman sa right ni Joey.

"Paano 'to?" Nahihiyang tanong ni Joey. "Hindi kasi ako sanay na mag-exercise. Di ako nag-gy-gym."

On instinct, lumapit ako sa treadmill niya para i-start ito. Yung medyo mabagal at magaan lang ang settings ang nilagay ko.

She murmured a thanks. Kung malayo pa ako, di ko na maririnig yun. Tumango lang ako.

"Dapat masanay ka nang mag-gym, Joey." Simula ni Evo habang tumatakbo. "Model ka na ng Felicity. Libre ang gym membership niyo sa lahat ng gym dito basta you present your ID from Felicity."

"Oh? Talaga? Ayos, ah." Sabi ni Joey na halatang na-amaze.

-

Mga ilang oras din kami sa gym bago namin na decide na mag-shower na para umalis.

Nasa Boy's Locker room na ako, kakatapos lang maligo. Si Evo, may kinuha pa sa sasakyan niya.

"No joke. Sobra niyang ganda." Narinig kong sabi nang isa sa mga lalake.

"Oo nga eh. Ngayon lang ako natuwa na katapat lang ang girl's at boy's locker." Sabat ng isa.

May pants na akong suot, at dahil curious ako kung sino ang tinutukoy nila, pumunta ako sa entrance ng boy's locker.

Open ang girl's kasi wala namang door talaga ang CR. Tapos nandun si Joey nakaupo sa mahabang bench. Her usual loose shirt at tattered pants ang suot. Basa ang buhok.

No wonder, I thought. Yan yung tipo ng babae na gusto mong makasabay maligo dahil sobrang ganda tignan pagbasa.

Pero wala na siyang ginagawa. Hinihintay na lang ata kami.

Wow, that's a first. Babae pa ang naghihintay sa amin, I thought.

Na-feel niya yatang may nakatingin sa kanya at lumingon siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Medyo nagulat siya.

"Oh? Tapos na kayong maligo?" Tanong niya tumatayo at nilalagay sa shoulder niya ang racksack. Ready nang umalis.

Mayamaya pa may nakapansin nang ibang babae sa akin sa entrance.

"Jasper!"

"Hey." I curtly said. Feeling ko I had flings with these girls pero di ko na maalala.

I looked at Joey na medyo awkward sa mga nangyayari.

"Pasok ka. Sabay tayong maligo," sabi pa ng isa.

In a different day, I would definitely have said yes. I wouldn't pass on an opportunity for an orgy. But I looked at Joey's confused face.

"Nah. Naligo na ako, eh."

"So? Maligo tayo ulit," sabi nila sabay hila sa akin papasok.

I stood my ground and kept saying no.

"Let's go?" I asked Joey. Napatingin ang mga babae sa kanya.

"Hindi ka pa ata ready. Wala ka pang shirt," sabi niya na nakatingin sa sapatos niya. Nahihiya siya sa attention na binibigay sa kanya.

"Kukunin ko lang bag ko. Nandun shirt ko at alis na tayo. Lumabas ka na rito." I instructed.

Without waiting for a reply tumakbo na ako pabalik sa locker room at kinuha ang bag ko.

Paglabas ko, nandun na si Joey sa labas naghihintay sa akin.

Lumingon siya sa akin na medyo nakasimangot. "Shirt?" She said.

I laughed. I grabbed a shirt from my bag and wore it. "Happy?"

"Si Boss Evo?" She asked instead.

"Huwag na nating paliguin. Mabagal yun eh. Magkikita rin tayo on the way."

Nasa harap na kami ng elevator. Pag-open nasa loob si Evo.

Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. "Huwag ka nang maligo. Mabagal ka. Ayaw ko nang tumambay rito kasi andaming makukulit na babae at"-- lumapit ako sa tenga niya para di marinig ni Joey-- "andaming lalakeng gustong lapitan ang Joey mo."

Paglingon namin kay Joey, nakatingin siya sa amin na nagdududa.

-

Nung nasa parking lot na kami, inunahan ko na. "Ikaw maghatid dyan. Bahala ka sa buhay mo." At sumakay na ako sa sasakyan at umalis na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon