Chapter 1

54 2 0
                                    

[Edited]

Hinihintay ko si Jeyn at si Lanny sa park. Hawak-hawak ko 'yung bagong issue ng Elixir magazine; ang leading fashion magazine sa Pilipinas. Hindi rin naman katakataka na leading sila. Ang galing kasi talaga nila. Pang-Vogue ang appeal.

Naghanap ako ng isang bench na mauupuan para mabasa ko 'tong dala ko. Nung may nakita ako, nagmadali akong pumunta ron bago maunahan. Hindi ko namalayan may paparating pala sa gilid ko.

Nagkabangga kami't nahulog ang mga gamit ko.

"Ay sorry," sabi ko habang pinupulot ko yung satchel at magazine ko.

Yumuko na rin ang nabangga ko at tinulungan akong kunin ang mga gamit ko.

Pagtingin ko, isang gwapong lalake ang nakita ko. Naka-sando siya, basketball shorts at rubbershoes.

Nginitian niya lang ako at umalis na para i-continue ang jogging.

"Ang gwapo niya... pero parang may kamukha siya..." I thought.

Pero hindi ko na lang inisip kung sino. Para saan pa ang gwapong yun eh alam ko namang hindi magiging akin yun.

Umupo na ako sa bench at nagsimulang basahin ang magazine.

Hindi ako mahilig sa mga make up at damit-damit na 'yan pero I love beauty. At sa magazine na'to, maraming beauty.

Speaking of the devil, kasali na roon si Jas Heiffer. Ang pinaka-gwapong lalaking ipinanganak sa buong mundo.

(Wait! Oo! Yung lalake kanina, kamukha niya si Jas! Sayang. Hindi ko siya tinutukan nang todo-todo. Huhuhuhu.)

Perfect talaga siya. Yung dark brown niyang buhok na medyo messy, yung sobrang itim niyang mga mata. Tapos yung katawan niya, hindi masyadong malaki at hindi rin masyadong payat; tama lang. At yung halatang pinaghirapang 6-pack abs niya.

Sana 3D na lang itong magazine--

"HOY!"

"HOY AY PALAKANG BAKLA!"

Pagtingin ko sila Lanny at Jeyn lang pala.

"Mga bwisit talaga kayo." sabi ko sa kanila.

Pero tawa pa rin sila ng tawa. Sobra sigurong tanga ng mukha ko kanina. Kung ako rin siguro, tatawa ng malakas.

Nang mawala na ang tuwa, "Hay. Kahit kailan talaga Josephine de Jesus, magugulatin ka pa rin!" sabi ni Jeyn na tumabi na sa akin sa pag-upo.

"Oo nga. Kaya gustong gusto kang gulatin ng blocmates natin eh," si Lanny na tumabi na rin sa akin.

"Alam niyo na ngang magugulatin, gugulatin niyo pa,"

"Cute ka kasiiiiii~," at pareho nilang pinisil ang magkabilang pisngi ko.

Ganyan talaga sila sa akin, ginagawa akong bata. Ang whole blocmates namin inaasar din ako. Pwede na ngang bullying 'to eh pero humihinto naman sila lahat kapag alam nilang 'di na ko natutuwa.

Pero minsan lang naman ako maasar sa kanila kasi nakakatuwa naman talaga kasi ang mga kaibigan ko.

 Napansin nila ang hawak kong magazine at tinignan ang picture na tinitignan ko bago sila dumating.

Napailing sila sa nakita.

"Hay nako. Bumili ka na naman ng magazine na 'yan para lang paglawayan itong lalakeng to," panunukso ni Lanny sa akin.

"Ha? Hindi kaya. Alam ko lang kasi talagang ako na naman ang mauuna rito kay bumili ako ng magazine," explain ko. Hindi ko naman talaga pinaglalawayan si Jas Heiffer. Nagkataon lang na sa halos lahat ng magazine, may mukha niyang nakabalandra rito.

Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon