[Edited]
Joey
Nandito ako sa Felicity.
For their workshop.
Yes, workshop.
Natanggap ako.
Totally, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.
Mag-o-one month na ako sa workshop. Hindi ko pa rin alam kung hanggang kailan tong workshops nato pero I'm just enjoying the experience, the learnings and the moments.
Pero wala ako masyadong kaibigan sa kapwa "mowdels" ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang mga staff naman at teachers sa Felicity kaibigan ko. At madalas din akong bisitahin ni Lanny at minsan ni Jeyn dito sa studio kaya ayos na ayos lang talaga ako.
Pero ang mga babaeng models talaga hindi ko gets ang humor nila. Madami silang make up jokes. Ngayon ko nga lang nalaman na may make up jokes pala!
Nakaupo ako sa sahig kasi break pa namin nang may kumausap sa akin.
"Hoy," sabi niya. Pagtingin ko si Boss Evo pala.
Parating nag-vi-visit si Boss Evo sa mga workshop. Hands on siya sa kanyang trabaho. Dedicated. Nakakabilib nga 'to sa kanya eh. Eh kasi usually ang mga boss, nasa office lang at nagpipirma ng mga kung anu-ano.
Siya hindi. And to think na halos magka-edad lang kami.
Napatayo ako kaagad sa kinauupuan ko nang makita siya.
"Hi po, Boss Evo," bati ko sa kanya. Naka-loose ang necktie niya at hindi niya suot ang blazer niya.
Ang gwapo niya, napaisip ko. And yung five o'clock shadows niya, nagbibigay ng maturity feels sa kanya.
"Sige lang. Umupo na lang tayo rito sa sahig,"
Papaupo na siya nang pigilan ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Di bagay sa'yo, Boss Evo," ang tinutukoy ko yung formal na suot niya.
Napatawa siya ng malakas. "Okay lang. Promise. I'm fine," he said while sitting down on the floor.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Tinitingnan niya ako.
"What? Dito ka na sa tabi ko," sabi niya gesturing sa inuupuan ko kanina.
I reluctantly sat down.
"So, kamusta naman kayong lahat?"
"Ayos lang naman, Boss Evo," sagot ko.
Tumawa siya. "Tatlong beses mo na akong tinatawag na Boss Evo. Evo na lang,"
"Boss na lang," sabi ko.
"Evo,"
"Boss,"
"Evo,"
"Boss,"
"Ang kulit mo,"
"Makulit ka rin, Boss Evo,"
Napatawa na naman siya. Bakit siya tawa ng tawa sa akin? Clown na ba ako ngayon? Huhu. Pero gwapo talaga siya.
Omg I feel so babae because I feel so kilig.
Hihi.
But no. Wrong! Hindi dapat ako magka-crush sa boss ko, I thought.
Ilang beses ko nang naiisip si Boss Evo ng ganito tuwing binibisita niya kami rito sa studio. Pero alam ko naman na wala akong pag-asa kay Boss Evo. Masyado siyang perfect. Bihira siyang species. Gwapo AT mabait.
BINABASA MO ANG
Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)
Teen FictionJosephine de Jesus, called Joey by her friends, is fourth year Mass Communication student. Lahat ng katangian ng MassComm, wala sa kanya. Tomboy, walang fashion sense at super duper mahiyain. To conquer her fear of people and socializing, sumali siy...