Chapter 11

21 1 0
                                    

Jasper

I hate it when someone mispronounces my last name. Kung hindi kasi sigurado, pwede naman kasi akong tanungin.

Lahat sila tuwang-tuwa sa pagkakamali sa last name ko. Pwera ako.

I glared at Evo. Anong klaseng kaibigan to, I thought. Dapat ako ang kinakampihan niya.

Nakasimangot lang ako hanggang sa nahiya na rin ang mga kumag na kaibigan ni Joey at umalis na sa table namin.

"Oh, simangot ka na naman," puna ni Evo na tumatawa pa rin.

Katabi niya si Joey at nakikita ko rin ang pigil na ngiti sa pisngi niya.

Hindi ko na pinansin ang dalawa dahil ayaw kong masira ang gabi ko.

Mayamaya pa inabot na ni Evo ang juice ni Joey.

I snickered, "Seriously. Anong tingin mo diyan, bata?" I told Evo.

"Hindi. I just..." Hindi na natapos ni Evo kasi wala siyang explanation.

I turned to Joey and said, "Gusto mo?" Referring to the drink I bought.

"Pare, masyado 'yang matapang," sabat ni Evo. Pero Joey answered, "Sige," and grabbed the drink I have.

I shrugged at Evo and said, "Pare, she's 19. Not 9."

"Oo nga naman, Boss Evo," sabi ni Joey and took a sip to my drink. She winced. I noticed it but Evo didn't.

Trying to be tough huh, I thought.

"Ano? Masarap?" I asked her.

Tumango siya sa akin at ngumiti.

Seriously, bakit gustung gusto nina Derek at Evo ang babaeng 'to. I don't get it. Hindi ko gets talaga. I mean, yeah, she looks okay. But not that special. Hindi naman siya ganun ka nakakatawa.

Psh, ewan.

"Antagal ko ng gustung tanungin sa'yo 'to, Joey," simula ni Evo. "Pero why did you apply sa Felicity?"

"Hindi naman talaga kasi ako ang nag-apply," answered Joey in a slurry voice. Nakakatatlong baso pa lang siya. "Si Lanny. Tapos yun natanggap. Na-persuade ako ng mga kaibigan ko kesyo experience raw at para ma-build daw confidence ko."

"Yeah, I did notice that. Mahiyain ka nga. Tapos MassCom ka pa talaga," natatawang puna ni Evo.

Siya? Mahiyain? Hindi naman, ah. Tatanga-tanga, oo. Pero mahiyain? Psh.

Natagalan pa kami sa bar. Tinitignan ko lang silang dalawa. Halatang halata na gusto ni Evo si Joey. And I think Joey feels the same way too. Or at least she admires him.

Kapansin-pansin kasi kung paano niya sundan ng tingin si Evo tuwing umaalis ito para kumuha pa ng maainom.

Panssin rin kaya ni Evo? I mused.

~

"Wait, you didn't bring your car?" tanong ko kay Evo habang pinupwesto niya sa likod ng sasakyan ko si Joey.

"I did,"

"Oh? Ba't mo sa sasakyan ko sinakay si Joey?"

"I want you to bond,"

"Anong bond!?"

"Ayaw ko naman na ang best friend ko at ang babaeng gusto ko ay hindi bati," sabi niya na papapunta na sa sasakyan niya. He added, "Alagaan mo 'yan, pare. Kundi patay ka sa akin."

"Wait, pare! Teka lang!"

"Bye. I trust you," ang huli niyang paalam sa akin at sumakay na sa sakayan niya at umalis.

"What did just happen?" I murmured to myself.

Tiningna ko si Joey na nakaupo pero nakapikit.

Ugh. Lintik talaga 'tong si Evo.

Isinara ko na ang door at pumunta na sa driver's seat.

Nang nasa road na kami, tinanong ko siya kung saan siya nakatira.

"Canada," sagot niya.

Napatapak ako agad sa break.

"Aray," sabi niya na napasubsob sa head rest ng upuan na nasa harap niya.

"Sorry. Pwede yung mahahatid kita ang sagot mo?" I sarcastically said.

This time nagbigay naman siya ng proper address at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.

How would this resolve anything, I asked myself. Eh ni hindi kami nag-uusap. Natural lasing ang tao.

Hay nako, Evo. Ang sarap mong sapakin.

Mayamaya pa, I heard her humming.

She's humming something. Noong una hindi ko gets kung ano and then it hit me: "Game of Thrones," I said.

She's humming the opening music of Game of Thrones! I love that show and the books!

Then I heard her said, "Game of Thrones!" repeating what I just said.

When we got to her house, tinulungan ko siya palabas ng sasakyan. Habang hinihila ko siya palabas nang tanungin niya ako, "Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin?"

Nabigla ako. Alam kong lasing siya kay nagkaroon siya ng temporary courage na tanungin sa akin 'to. At sigurado rin akong hindi niya 'to matatandaan bukas.

Hindi ako umimik. Dahil ako mismo hindi alam kung bakit.

"Hindi ko kasi maintindihan eh," she continued instead. "Wala naman akong ginawa sa'yo. Pero ayaw mo sa akin. Masakit ah. Gustong gusto pa man din kita. Bili ko lahat ng magazines mo noon. Napaka... comfortable mo kasing tignan. Confident,"

I just listened to her slurry voice. Naamoy ko rin ang alak sa hininga niya. I ignored her rant and lead her to their house's front door.

"Key?"

Kinuha niya ang susi sa bag niya at ibinigay sa akin.

Binuksan ko ang pinto at pinahiga na si Joey sa sofa sa sala nila. Papaalis na ako nang nagsalita siya ulit.

"Sana katulad mo ako."

Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon