[Edited]
"Hi, I'm Josephine de Jesus," simula kong bati sa panel: Dalawang babae, feeling ko yung nasa left model kasi sobrang ganda. Girl crush alert!!!
Tapos yung isang babae na nasa left naman medyo matanda na. Mga early 30's siguro. Siya yata ang boss ng Felicity Agency. Yung lalakeng nasa gitna naman nila eh model din siguro. Gwapo kasi.
"but my friends call me Joey. I'm 19 years old turning 20 this year--" malamang 20! Mahirap din siguro kong 19 ka tapos magiging 21 ka na susunod, Joey no!? Tanga mo!!!
"--fourth year Mass Communication student at Centarion University."
Parang hindi naman sila nakikinig sa akin eh. Silang tatlo tingin lang ng tingin sa paper sa desk nila. Tinitignan ata pictures ko tapos tinitignan ako.
Nagtataka na siguro sila kung bakit maganda ako sa pictures at sobrang pangit in person!!! Huhu. Sana pwede ma-photoshop ang mukha ko in real life.
I can feel my palm sweat and my heart quicken its beat. Para akong microorganism na nasa ilalim ng microscope.
Parang bawat tingin nila sa akin jinujudge nila ako.
Gusto ko ng umalis!!!
Bwisit ka Lanny!!! Bakit mo 'to ginawa sa ak--
"So, bakit ka naman namin pipiliin?" putol ng lalake sa pagpatay ko kay Lanny sa isipan ko.
"Hindi ko alam. Bakit? Pipiliin niyo ba ako?" Shets. Nasabi ko na lang bigla. JOEY!!! Mag-isip ka muna bago mo ibuka ang bibig mo!!!
Tumawa yung lalake.
Bakit hindi ako nag-research about sa agency na'to??? At hindi rin ako in-orient ni Lanny!!! Paano kung tanungin nila ako kung ano ang mga pangalan nila??
Ay tanga. Hindi naman siguro nila ako bigla-biglaang tatanungin kung anong pangalan nila. "Ano ang pangalan ko?" Ano to? Bonus number sa isang quiz? We are professionals here.
Sir at ma'am na lang tatawag ko sa kanila para safe.
"Mali ata yung tanong ko eh. Let me rephrase. Ano ang meron ka to make it to Felicity Agency?"
Okay. Isip muna Joey bago sagot, sabi ko sa sarili ko.
Anong meron ako?
...
Aha!
"I obviously have the height. That's what everyone says. And I know you can see it, too. I don't gain weight. Like, seriously. I don't. I eat a lot. But I'm still stick thin. Personally, I don't like being this thin but in this industry, to be a model, it's important to have a good physique. And I think, I can be a Felicity model,"
"And, if you don't want stick thin models, I can gain weight and go to the gym for you," I added. Iba-iba naman kasi panlasa ng tao. So, it's better to be diverse.
SHETS! Ganda ng sagot ko!!!
They nod to my answer, seemingly satisfied.
"So, anong meron ka para hindi ka namin tanggapin?"
Napa-frown ako. Tricky question ah.
...
Do I lie? Or tell the truth?
...
"Mahiyain ako. I am not one of those girls who can walk and strut their behinds with confidence; without caring if people are staring. But, I think that can be corrected. I can earn confidence. And I know Felicity is capable of doing that,"
BINABASA MO ANG
Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)
Teen FictionJosephine de Jesus, called Joey by her friends, is fourth year Mass Communication student. Lahat ng katangian ng MassComm, wala sa kanya. Tomboy, walang fashion sense at super duper mahiyain. To conquer her fear of people and socializing, sumali siy...