Lanny
Papapunta na kami sa second day ng shoot namin. Tahimik sa sasakyan. Pati rin si Joey tahimik. Hindi namin alam kung papaano i-co-console si Joey since nung first shoot nila ni Jasper tapos napagalitan pa siya ni Evo.
Ayaw niya kasing pag-usapan sa amin.
“So,” simula ni Jeyn. “Second day na ng shoot. Exciting, ano? Sa kagubatan tayo ngayon!”
I gave a sharp look towards Jeyn’s way. She just shrugged me off.
I looked at Joey at the rear view mirror. I can fee she’s still worrying.
“Joey?” I called out for her.
She did not respond. Parang hindi niya ako narinig.
“Joey?”
Natauhan din siya at sumagot, “Sorry. Ano yun?”
“Okay ka lang?”
“Oo naman. Bakit naman hindi?” she said while obviously faking a happy demeanour.
“Oo nga. Tapos ayaw mo rin pag-usapan yun—“ Hindi na natuloy ni Jeyn ang sasabihin dahil inirapan ko na siya.
Alam niya na ngang sensitive subject ‘yun. Naku talaga.
Na-crush talaga ang o-onting self-confidence ni Joey, ah. Halos three years niya rin niyong in-earn sa college tapos tong dalawang lalakeng to lang ang sisira nun.
Hay nako.
“Guys! Swear! Okay lang ako,” sabi ni Joey with a smile.
Nang hindi kami umimik ni Jeyn, lumapit siya sa likod namin at sinabing, “Kayo yata ang hindi okay, eh? Kayo ba napagalitan at napahiya? Ang fe-feeling niyo naman!” biro niya.
Tumawa na lang kami, “Baliw! Basta kahit anong mangyari we got your back,” sabi ni Jeyn.
“At maganda ka pa rin,” dugtong ko naman.
“Ganyan. Kaya ko kayo kaibigan, eh,”
Buti na lang no permanent psychological damage, I think. Sensitive pa naman talaga to si Joey.
~
Pagdating na pagdating sa location, medyo marami na ang tao. Lalo na sa staff. Pero si Jasper Yabang, wala pa. Pero di pa naman call time.
Dumiretso na si Joey kay Sid kasama si Jeyn. Ako, tinignan-tignan muna ang location.
Wala na nga talaga kami sa sibilisasyon. Puro puno at grass at bato na lang ang meron dito.
Fresh air, I thought.
“Hi, Lanny,” bati sa akin ni Derek.
“Uy. Hello, Derek. Kamusta na?”
“Okay lang naman,” tumingin siya sa sapatos niya and reluctantly asked, “Si Joey? Okay lang? Puro panghaharass ang nakuha niya kay Kuya Jas last time, eh,”
“Oo, okay lang siya,” sagot ko sa kanya. Mukhang mabait naman 'tong Derek. Bakit ba demonyo ang kuya nito?
“Tapos napagalitan pa raw siya ni Evo,” dagdag pa niya.
“Oo nga, eh. Pero di naman ganun kasupalpal. Mabait naman si Sir Evo, eh,”
“Yeah, I know. Pero I feel bad for Joey,”
“Kami nga rin ni Jeyn, eh. Akala ko mag-b-breakdown na siya. Buti na lang di naman. No permanent damage,”
Buti na lang may natitira pang gwapong lalake na mabait sa mundo. Buti na lang talaga hindi siya nagmana sa mayabang at ubod pangit na ugali ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)
Teen FictionJosephine de Jesus, called Joey by her friends, is fourth year Mass Communication student. Lahat ng katangian ng MassComm, wala sa kanya. Tomboy, walang fashion sense at super duper mahiyain. To conquer her fear of people and socializing, sumali siy...