Joey
"Lanny!!! Jeyn!!! Sobra niyang gwapo!" share ko sa mga kaibigan ko nung lunch break.
"Hay nako. Si Jasper na naman. Oo na," sabi ni Jeyn.
"Hindi si Jasper. Hindi ko na yun gusto. Ang yabang. Si Evo ang ibig kong sabihin!"
"Oo nga eh. Ang sarap kidnap-in," si Lanny.
"Ha? Sino itong Evo at bakit hindi ko siya kilala?"
"Hindi mo pa ata siya nakikita. President siya ng Felicity," explain ni Lanny.
"Not really president. Anak siya ng president pero dahil wala pa ang papa niya, siya muna ang president," I expounded.
"Talaga? Sobrang gwapo? Mas gwapo kay Jasper mo? Ay wait. Bakit nga ba mayabang si Jasper?"
"Hindi ko siya Jasper. Atsaka hindi ko ma-compare silang dalawa kasi iba sila eh," sagot ko sa kanya.
Tapos kinuwento na rin ni Lanny ang nangyari sa amin ni Jasper at sinabi niya rin na ang OA ng reaction ko kasi raw di naman daw mayabang.
Whatever. Mayabang siya. Feeling gwapo.
Oo, gwapo siya pero hindi naman kailang i-feel no.
At oo, model siya kaya feel niya ang kagwapuhan niya pero kahit na!!! Hmpft.
Mayamaya may nag-text kay Lanny.
"OMG GIRL MAY PROJECT KA" sigaw niya sa akin.
Ngayon lang ako nakarinig ng babaeng excited dahil nagka-project ako.
"Kailan ba deadline niyan? Anong subject?" bored kong sagot. Hay. Project na naman. Ngayong fourth year na kami, konti nga lang subjects pero andami namang pinapagawa sa amin.
This is child abuse, people! Wala na dapat school!
I swear to god school was made to torment happy kids to make them unhappy kids.
"Gaga! Girl, project sa Felicity!!!" sigaw sa akin ni Jeyn.
Oh.
OH!!!
"Weh? Di nga?" di ko makapaniwalang sabi.
"Oo sabi," si Lanny.
Omg omg omg omg omg
Wala pa akong masyadong pakialam sa details ng project na'to pero excited lang ako na ipinagkatiwala sa akin' to.
~
Lanny
"Ikaw magsabi ha?" sabi ko kay Jeyn nang sinundo ko siya sa bahay niya.
First day ng shoot ni Joey ngayon. Na-e-excite ako pero at the same time nininerbyos.
Meron kasi kaming hindi sinabi kay Joey.
"Girl, huwag ipasa sa akin yan," pag-a-ayaw ni Jeyn.
"Paano na'to? Mag-f-freak out si Joey n'yan kapag nalaman niya na on the spot," pag-aalala ko sa introvert kong kaibigan.
Napaisip si Jeyn. "I think... mas-okay nang malaman niya on the spot,"
"Paano naging mas okay yun?"
"Kasi, kung sasabihin natin sa kanya, mag-o-overthink yun. You know she will. Yung babae namang yun ang hilig ipa-complicate ang mga bagay-bagay. Kaya...,"
"Tama. Mas mag-f-freak out siya kung malalaman niya beforehand," sabi ko, trying to convince both of us.
"Bakit kasi last minute nang sinabi sa atin?"
"Oo nga. Na may kasama pa lang isang model sa shoot! At sexy shoot pa talaga to!"
"Pero kahit nalaman natin beforehand hindi pa rin naman ata natin sasabihin sa kanya eh,"
Tumawa na lang ako sa sinabi niya kasi medyo totoo.
"Let's hope na lang talaga na gwapo yung kasama niya,"
Napatawa si Jeyn. "Pati ba naman sa oras na'to yun ang iniisip mo?"
"Eh babae, eh," balewala ko.
~
Joey
"UUUUUUGH," nasa backseat ako at papapunta na kami sa first ever big project ko.
At hindi ako masaya. Sobrang hindi masaya.
Yung saya na naramdaman ko nung narinig ko ang news na may project ako is long gone. Hindi pa ako magaling!!! Bakit nila ako agad agad sinabak sa trabaho!!! I hate you Felicity!!!
"Ang ingay mo diyan, Joey," reklamo sa akin ni Lanny na nagmamaneho.
"AAAH HINDI NIYO NARARAMDAMAN ANG NARARAMDAN KO!!!"
"Ang arte ng babaeng 'to," sabi ni Jeyn sa passenger's seat.
"HUHUHUHUHUHUHUHU TAKE ME LOOOOOORD," sigaw ko pa.
"Hoy, girl. Warning ko lang sa'yo. Huwag kang umasta ng ganyan sa shoot ha?" si Jeyn.
"Mapapatay ka namin," sabay na nilang sabi sa akin.
"OO NA GURL," I mockingly answered them.
Itutulog ko na nga lang tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Ang Maangas Kong Modelo (ONGOING/EDITING)
Teen FictionJosephine de Jesus, called Joey by her friends, is fourth year Mass Communication student. Lahat ng katangian ng MassComm, wala sa kanya. Tomboy, walang fashion sense at super duper mahiyain. To conquer her fear of people and socializing, sumali siy...