"Here is your room. May mga damit na din sa walking closet mo, pero kung gusto mo pwede mo pa din ipakuha ung mga damit mo atsaka natin ipa-ayos"
Kalmadong sabi ni Vice. Hindi naman maitago ang kasiyahang naramdaman ni Karylle. Ang akala niya kasi ay sa maids' section siya matutulog or di kaya sa isang maliit na kwarto lang pero ibinigay sakanya ni Vice ang isang halatang master's bedroom din. She's smiling and her heart is pounding like it will explode any time. Di niya napigilan at binigyan niya ng isang mahigpit na yakap si Vice.
"T-thank you Vice" She said it sincerely.
Vice can't stop himself from smiling. Nakaramdam siya ng kakaiba sa bandang kaliwa ng dibdib niya. At ayaw niya nito. Agad siyang nagbawi ng yakap.
Medyo nailang naman si Karylle at kunwari'y naglinga-linga ng tingin sa kwarto. Tumikhim naman si Vice atsaka nagsalita.
"Don't be overwhelmed. Ayoko lang na magmukha kang kawawa, baka magsalita ka pa sa media pangalan ko na naman ang isasangkalan mo"
Lahat ng sayang naramdaman ni K ay bigla-biglang nawala at napalitan ng bigat sa kalooban. Di niya mawari pero pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-masamang tao sa buong mundo... Humugot siya ng lakas ng loob atsaka humarap muli kay Vice nang nakangiti.
Nagulat naman si Vice sa reaksyon ni K. Ang akala niya kasi ay ngangawa na naman ito sa harap niya. Kinalma niya ang sarili at tumalikod..
"Wala si Diane. Ikaw magluto ng dinner" Yun lang at lumabas na ito ng kwarto.
Saktong pagkasara ng pinto ay ang pagbagsak ng luha ni K. Napaluhod siya sa sobrang hirap ng kanyang paghinga.
Rinig na rinig naman sa labas ang bawat hikbi ni K. Lingid ay kaalaman niya ay nanatiling nakadikit ang tenga ni Vice sa pintuan ng kwarto. Ipinikit naman ni Vice ang mga mata atsaka sabay na umiling...
Don't be sorry
Paulit-ulit na iniisip niya. Pero iba ang sinasabi ng konsensya niya at ng puso niya. Agad siyang bumuga ng malalim na hininga at mahinang bumulong...
"I'm sorry K. But its for your own good"
--
"Ano yan?" Napaigtad naman sa si K ng naramdaman ang boses ni Vice malapit sa tenga niya.
"A-ahh.. P-pork mushroom" Mahina niyang sambit...
Tumango lang si Vice at kumuha na ng mga plato at nilagay ito sa mesa
"Food is ready! Kain naaa"
Masayang sabi ni K. Wala man lang siyang nakuhang sukling ngiti galing kay Vice. Di na lang niya ito pinansin.
Ipinagsalok niya ng ulam at kanin si Vice samantalang si Vice ay may kung anong ginagawa sa cellphone. Nagtaka naman si K kaya napalingon siya dito. Nataranta naman si Vice at dali-daling pinatay at inilapag ang cp sa mesa.
"K-kain ka na" Inaantay ni K na isubo ni Vice ang ulam...
"Ano? M-masarap ba?" Kinakabahan siya sa magiging tuon ni Vice.
Then Vice stared her blankly...
"Ok lang. Pangkaraniwan" Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi ni Vice
Kung bakit ba kasi umasa pa siya na pupurihin siya nito. Di niya pinahalata pero di niya ginagalaw ang pagkain sa harapan niya
"Anong kaartehan yan? Kumain ka..." Napilitan naman siyang sumubo pero wala pa ding maipinta ang mukha niya
"Bukas nga pala, we'll be having our pre-nuptial photoshoot. Umayos ka, dapat makita nila na-inlove tayo sa isa't-isa" She hiddenly smirked. Inlove? Look who's talking
"Are you listening?!" Doon nagising ang diwa niya. Agad siyang tumango kay Vice
Nagulat naman siya mg ibinagsak ni Vice ang kutsara't tinidor at tumayo
"Kapag kinakausap ka matuto ka namang sumagot. Ano ba K?"
Nanginginig naman ang buong katawan ni K. Di niya alam ang isasagot sa lalaki. Yumuko na lang siya para di makita ang reaksyon ng mukha ni Vice...
Napahilot naman sa sentido si Vice, trying to cool down his emotion. "Forget it. Just be ready for tomorrow, kung ayaw mong magpanggap fine. Ikaw na ang tinutulungan ayaw mo pa"
Yun lang at umalis na ito sa hapag-kainan. Nakaramdam naman ng guilt si K. Mali na naman siya. K for kapalpakan!
Tinignan niya ang platong naiwan ni Vice. Nagulat naman siya ng parang may naka-form na kung ano dito. Agad siyang tumayo sa kinauupuan at tinignan kung ano ito
Masarap. Thank U
Napaluha naman siya ng makita ito. Naka-form ang mga letters gamit ang kanin at ang ginawa pang U ay ang isang piraso ng mushroom. Napawi lahat ng sakit na naramdaman niya.
Hinabol niya ng tingin ang hagdanan kung saan umakyat si Vice pero wala na ito. Nag-angat na lang siya ng balikat at masayang bumalik sa hapag-kainan para tapusin ang kinakain.
Vice saw it, how she genuinely smiled when she saw what he did. Mas napangiti siya nang makitang bumalik ang sigla ng dalaga hanang inuubos ang pagkain.
Just so you know, hindi naman talaga kontrabida si Vice. He's just protecting K. Kanino? Sakanya
Ayaw niyang magkaron ng dahilan ang dalaga na mahalin siya nito ng totoo. Lalo na't may hangganan naman ang lahat.
After 1 year of fake marriage, they will be separated... for good
Kaya mabuti ng idistansya niya ang sarili hangga't maaga
Ang problema na lang niya ngayon ay ang family ni K. He already talked to his mom and he told her the truth. Alam niyang lumabag siya sa sariling rule pero there's no way he can't trust his own mom.
Nanay Rosari didn't agree at first pero wala din itong nagawa sa huli kaya naman tinanggap na lang nito. Pero, ngunit, subalit sa isang kondisyon,
Quick Flashback
Nanay Rosario: So you think that's the best way para protektahan ang friendship niyo ni K?
Vice: Yes ma. There's no way I can fall in love to her...
Nanay Rosario: But there's way for her to fall in love with you? Sigurado ka don tutoy?
Vice: *sigh* Yes. Lalaki pa din ak--
Nanay Rosario: Exactly... Lalaki ka pa din, kaya there's no way for you not to fall in love with Karylle
Vice: Pero...
Nanay Rosario: Listen to me. I'll agree with this kind of arrangement, I'll keep this as a secret only if...
Vice: ??????
Nanay Rosario: Only if you will let yourself fall whenever you feel it. You will never conceal it, you will let it go.
End of Quick Flashback
Ang lakas maka-let it go diba? Wala siyanf nagawa kundi sumang-ayon dito. Pero alam niya sa sarili niya na di niya ito matutupad.
He will not take the risk. Specially if there is no half chance that it'll be worth of. He loves K, as friend. Kaya niya din ito pinayagang mangyari ay dahil mahal niya nag kaibigan.
Even though he knows, he knows....
He might really fall to her charm.
--
Short Update! :) Sorry peyl. Hahaha! Bawi ako next chapter ♥ Thanks for reading guise. God bless! ☆
@Justnicxxx @VRUniversity
BINABASA MO ANG
Operation: Make him say YES in 14 days
FanfictionA ViceRylle Fan-Fiction April 3, 2014