Epilogue

588 26 22
                                    

Hello guys! It's been a long time. Nagulat ako may nag comment kahapon asking kung kailan ang update, hehe. Happy new year and since new year naman na at 2018 na, might as well i-close na natin itong PART 1 ng story na ito. Ang dami ko nang nagawang extra chapter hahahahaha. Enjoy reading!

—-

"Bakit ang bilis bilis naman? Bakit parang... parang wala namang dahilan para mangyari 'to. V-vice? A-ano ba? Pinaglalaruan mo ba ko ngayon kase kung oo tama na... a-ayoko na tara na!!! Umuwi na tayo" pagsusumamo ni Karylle kay Vice habang si Vice ay matamnan siyang tinitignan na parang walang pakielam.

"Hindi na nga ako sasama sa'yo. Bakit ba paulit-ulit ka?" At kahit anong kumbinsi ni Karylle ay ayaw pa rin nitong magpaawat.

"Ano bang pinakain sa'yo ng babaeng 'yan!? Ikaw na babae ka—" Akmang sasabunutin niya ito nang harangan siya ni Vice..

"Tumabi ka dyan!"

"Tama na K"

"Sabi nang tumabi ka, isa..."

"Tumigil ka na" pilit na inilalayo ni Vice ang babae...

"dalawa, huwag mo ko intaying makatatlo—" nagulat siya nang halikan ni Vice ang babae na talagang ikinatigil niya

Hindi mawari ni Karylle kung ano ang mararamdaman... Naghahalo ang galit, sakit, selos at hinanakit sakanya. Nilalamon na siya ng sama ng loob. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkaganito si Vice, gusto niya intindihin pero hindi niya makuha ang ginagawa nito. Bakit siya nagagawang saktan nito?

Pinunasan ni Karylle ang mga luhang pumatak sakanya at hinayaang matapos ang halik na ibinigay ni Vice sa babae.

"Ayaw mong umuwi? Sige. Tandaan mo 'to, oras na tumalikod ako sa'yo ngayon, wala ka nang babalikan" Pilit na pinipigilan ni Vice ang damdamin at ipinakita niya pa rin na matigas ang loob niya kay K. Hindi na siya nagsalita pa at tumalikod na nga si K...

Masaya naman talaga sila, noon
Pero bakit nga sila nagkaganito ngayon?

Noon at ngayon, ano ba ang kinalaman nito sa hinaharap?


Thank you for the continue support, guys! 💞

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Make him say YES in 14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon