Day 5

5.7K 136 10
                                    

"Huy te! Di mo ba iko-call-me-maybe sung jowa mo? Diba yon nato-tom jones?! Sunshinze dizon na aba! Wag niyong sabihing crayola khomeni pa din siya!"

Sita ni Archie kay Vice na ngayon ay nagbabasa lang ng dyaryo habang kumakain ng breakfast..

Napatapik naman sa bibig si Archie ng ma-realize ang sinabi.. Sinoko naman siya ng palihim ni Buern si Archie at sinabing ang daldal mo te in silent mode.. Napa-peace sign na lang siya....

Sinulyapan lang ito ni Vice saglit at bumalik na sa pagbabasa ng dyaryo "Hayaan mo siya, magugutom din yun at bababa ng kusa" Sabi niya sabay higop ng kape...

Nagkibit-balikat na lang si Archie. Sakto namang paglingon niya sa mga beks ay nakatingin ito ng matalim kay Vice. Napailing na lang siya sa mga to pero pagkuwa'y gumaya rin...

Naramdaman ni Vice ang tila pagtahimik sa lugar. Pinakiramdaman muna niya bago niya tuluyang binaba ang dyaryong hawak at laking gulat nang makita ang mga beks na sintalim ng kutsilyo ang titig sakanya

"Mga problema niyo?! Magsikain na nga kayo"

Sabay-sabay namang bumahing ang mga beks!

"May amoy paminta... Hachuuu! Sino naglagay sa inyo non?!" Sabi ni Russ

Nagtanguan naman ang lahat... Biglang sumingit si Buern "Warla ata sila ng jowa niya. Di siguro napagbigyan si jun-jun kagabi! Hahahaha!"

Sabay-sabay na tumawa ang mga bading pero si Vice ay tila napipikon na.

Tumikhim muna ito at sabay humigop ulit ng kape sabay balik sa pagbabasa ng dyaryo...

Russ blew a deep sigh. He just shook his head and mouthed kumaen na tayo, wala sa mood si bakla. Sabay-sabay na lang din kumain ang mga beks...

Habang kumakain ay laking gulat nila ng may bumabang PANDA! Ay babae pala! Halos mabuga ni Archie ang nginunguyang tinapay na may kasamang kamatis nang makita si Karylle na halos di na makita mata sa laki ng eye bags...

Napatingin na naman si Vice sa mga beki pero nang mamataan niya na sa ibang direksyon ito nakatingin ay lumingon din siya dito.

Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita si Karylle. Panda bear ikaw ba yan?! Iniwas niya ang sarili sa pagtawa.

Bumalik siya sa pagbabasa ng dyaryo pero tila gumagawa ang tadhana ng ikakatawa niya dahil biglang nagsalita si Buern

"Te? Saan costume party?! Agang-ayos niyan ah!" Lumunok siya ng ilang beses. Kinurot niya pa ang braso para di mata. Lord, iligtas niyo naman ako sa posisyon ko. Magpapakabait na po ako. Lihim niyang panalangin! Maya-maya pa ay kumagat siya ng tinapay para mas mapigilan ang pagtawa...

Pagiling-giling namang naglalakad si Karylle na parang lasing papuntang kusina. Nang mapansin ito ni Vice ay napatayo siya at inalalayan ng matutumba na...

Tumingin lang sakanya sandali si Karylle at pagkuwa'y kumuha ng bottled milk sa ref. Pagkakuha niya ay pagewang-gewang pa din siya habang nakahawak si Vicr sa magkabilang balikat niya...

Inagaw naman ni Vice ang hawak nitong bote habang alalay pa din kay Karylle. Pupukaw-pukaw pa ang mga mata ni K...

Vice looked at her suspiciously. Pero maya-maya pa ay binuksan na ang bote at inaaboy sakanya. Pero nang aabutin na ni K at inangat naman ito ni Vice.

Doon na-realize ni K na pinapainom pala sakanya ni Vice ang gatas kaya kusa niyang binuka ang bibig atsaka hinayang ipa-inom ni Vice sakanya ang gatas....

Operation: Make him say YES in 14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon