Day 10

4K 137 4
                                    

Today is the day! (hingang malalim) Ngayon bibigyan ng award as ambassadress ng Child Haus si K ♥

Hindi ma-explain ang paglalagyan niya ng kasiyahan dahil di niya akalaing ganoon siya minahal ng mga batang di naman niya kaano-ano...

She's wearing a white bodycon dress made by sheiralyn. It was paired with blue strappy heels by Michael Antonio :) Of course, styled with @paxiness and make-up by ate auds ♡

She took a deep breath. Ang saya2 niya talaga ngayon, pero at the same time kinakabahan. She looked at her watch, 1 hr before the awarding...

Nasaan na si Vice? Hindi naman niya siguro nakalimutan no? Even though di ko sinabi directly, lagi namang na-oopen up ang tungkol sa araw na to... Think positive K!

Then her phone vibrated... She grabbed it immediately. She smiled on the thought that it's  Vice,

Vice Pogi (+63917*******)

Kurba? I can't make it sa awarding. I'm so sorry. May nangyari kasing importante. I hope you won't mind right? Let's just celebrate after. I know you're so beautiful today. I want to see it later, cheer up and congratulations! ;)

Bumagsak naman ang balikat ni K nang mabasa ang text ng fiancee. All this time pinaniwala niya ang sarili na baka kaya ito nawawala bigla ay sa kadahilanang may pinaplano ito para sakanya... Mukhang applicable sakanya ang kasabihang don't expect too much coz that can hurt you so much...

Muli siyang tumingin sa salamin at pinahiran ang luhang bumagsak na pala sakanya mga mata...

Okay lang yan K, babawi siya... Babawi siya

--

"Congratulations to the new ambassadress of Child Haus... Soon-to-be Mrs. Viceral, Karylle!"

Masayang tumungo si Karylle sa stage kasabay ang mga palakpakan mula sa mga bata at staff ng CH. Pagkadating niya sa stage ay iniabot sakanya ang isang certificate kasama ang bulaklak... Pagkatapos ay kinuha niya ang mic para makapagbigay ng mensahe.

"Hello kids, hello po sa lahat ng bumubuo ng Child Haus. Salamat po sa pagpili saken bilang ambassadress ng inyong institusyon"

Nagpalakpakan muli ang mga tao...

"I was once a little kid like all of you. Maaring sa ibang aspeto ng pamumuhay pero katulad niyo din ako, nangangarap..."

"Dati, ang pangarap ko ay maging ballerina lang. 3 years old pa lang kasi ako nagbaballet na ko... Pero as time passed by, natuto along mahalin ang musika kasabay ndn nito ang buhay showbiz"

"Nang makapasok ako sa showbiz industry, ang laki nang nabago sa buhay ko. May mga dumating, na umalis din pero may mga nanatili at mananatili naman"

Nagsitilian naman ang iba...

"Sino ba namang mag-aakala na ako at isanv Vice Ganda ang magkakatuluyan diba? Di man kapani-paniwala pero totoo. I was captivated by his charms and also I was hooked by his personality"

"Nagsimula sa biruan na nauwi sa totohanan, may naging kalokohan din pero sa huli ay totoong nagmamahalan na"

Ngiting-ngiti naman ang mga bata habang kinikilig sa kinukwento ni K. Lingid sa kaalaman ni Karylle ay may isang taong kanina pa nakikinig sa mga kinukwento niya... At ngayon pa lang ay gusto na niyang lumabas at hagkan ang babae sa harap pero pinipigilan niya ang sarili dahil masisira ang plano...

"Kaya kayong mga bata, wag kayong susuko sa inyong mga pangarap ha. Mahirap pero kapag tiniyaga mo, makakamit mo. At magkakaron din kayo ng Vice at Karylle sa buhay niyo..."

Operation: Make him say YES in 14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon