Last chapter before the ending!
Thanks for reading guys :)
I love you all <3
---
Kasalukuyang nasa Tagaytay si Karylle para mag-unwind. Pero tila tadhana ata talaga ang nagdadala sakanya ng stress dahil nandoon din si Vice at ang "kabit" nito. Saan ba talaga siya pupunta para makalimot?
She blew a deep sigh... Parang nung isang araw lang okay na okay sila ni Vice. Kung hindi niya siguro sinunod ung nasa sulat hindi siya pupunta doon at kung hindi siya pumunta malamang ngayon bachelor at bachelorette party na nila.
Aminado naman siya, hanggang ngayon mahal na mahal niya pa din ito at kung ito ay muling lalapit sakanya baka bumigay na siya.
Tumingala siya sa kalangitan at nakita niya ang mga nagkalat na bituin, ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagdasal.
Pagkatapos ay matamlay siyang ngumiti at pagbukas ng kanyang mga mata ay saktong mataang nakatitig sakanya ang isang lalaki- na hindi niya makakalimutan habang buhay... Si Vice
Dali-daling umiwas si Karylle. "Ano ba?! Nanandya ka ba talaga?! Anong ginagawa mo dito?! Dun ka nga sa kabit mo!"
Vice chuckled "Maka-kabit ka naman, hindi pa nga tayo mag-asawa eh"
Namula naman si K ng ma-realize ang sinabi niya. 'Assuming ka kasi K' sita niya sa sarili.
Pero di pa din siya nagpatinay, umayos siya at tumayo "K-kahit na! Tse! Diyan ka na nga!"
Akmang aalis na siya ng bigla siyang hawakan ni Vice sa braso at kinabig paharap sabay dampi ng labi sakanya...
Hindi siya makakilos. Tila nawawala siya sa sarili. Di pa din siya sumasagot sa mga halik ni Vice hanggang unti-unti na siyang nawawalan ng balanse kaya naman napahawak siya balikat nito, kasabay nito ang pagkagat ni Vice sakanyang labi dahilan para siya'y mapanganga kaya naman ginawa itong dahilan ni Vice para tuluyang angkinin ang kanyang mga labi.
Nalunod na siya sa mga malalambot at matatamis na halik ni Vice at nang sila'y matapos ay kapwa silang naghahabol ng hininga. Doon na tuluyang bumalik ang kanynag ulirat sa realidad. Akma niyang sasampalin ito pero hinawakan siya nito sa dalawang kamay at niyakap...
"Mahal kita Karylle, mahal kita. Ikaw lang wala ng iba pa" Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Karylle...
Agad itong napansin ni Vice kaya naman ipinaharap niya sakanya si Vice. Nung una ay umiiwas pa ang dalaga pero sa huli ay sumunod din ito "Makinig ka, minsan ko lang sasabihin to. Wala akong ibang balak na magpakasal sa simbahan maliban sayo"
Parang musika sa tenga ni Karylle ang kanyang naririnig pero nakikita pa din sa reaksyon niya ang mga tanong... Bakit ito nangyayari? Anong dahilan?
"Paano si Marian? Paano ang anak mo? V-vice baka... Baka hindi talaga tayo ang nakatadhana sa isa--" pinutol siya nito at muling siniil ng halik sa labi
"Walang marian, walang ako. Walang kami. Walang baby" Masayang wika ni Vice
Hindi maipaliwanag ang sayang naramdaman ni Karylle. Agad niya itong niyakap "T-totoo ba yan? *hik* W-wala bang biro yan? *hik*"
Hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Vice ngunit ramdam niya ang pagtango nito sakanya.. Walang mapaglagyan ang kasiyahan at kaginhawaan ang nararamdaman ni Karylle. Pero nang makabawi ay iniharap niya si Vice sakanya
"Paano nangyari yun?" Agad niyang tanong habang kumakain ng hapunan kasama si Vice.
Napatigil naman si Vice sa kinakain. "You really want to know?"