Day 7

5.3K 150 7
                                    

Karylle is on her midst of thinking when somebody hugged her from behind. Hindi na niya kailangang alamin pa kung sino ito, dahil amoy pa lang nito ay sigurado na siya kung sino yun...

"How does it happen? How did you do it?"

Naramdaman niya ang pagkibit nito ng balikat. Balak niya sanang bumaling dito paharap pero pinigilan siya nito...

"Pinanindigan ko lang ang screen name kong "Unkabogable Star" 

K chuckled... Naramdaman niya ang paglapat ng baba ni Vice sakanyang balikat... Sweet...

"Alam mo, akala ko mag-aantay pa ko ng napakatagal na panahon bago ka bumalik"

Tahimik lang si K pero nakikinig siya..

"Sa isip ko nga walang kapatawaran ang nagawa ko sayo noon kaya kailanman ay di mo na nanaisin pang makita ko"

Napakunot naman ng noo si K. She never think that way...

"Pero diba may kasalanan kdn naman sakin diba? Kaya quits tayo wag kang ano dyan"

Napatawa naman siya ng bahagya...

"Pero alam mo sa isang taong nawala ka, ang dami ng nangyari. Sigurado kong kinuwento na lahat sayo nung private investigator"

Nanlaki naman ang mga mata ni K at walang-sabing humarap kay Vice...

"A-alam mo?" Vice smirked

"What do you think of me? Thinking of you?"

Pinalo naman ni K si Vice at napasimangot...

"Joke lang. Hahaha! Karylle bago mo pa siya maisip na i-hire alam ko ng gagawin mo un. Kaya ko nga siya ni-hire eh"

Napaisip naman si K... Iba talaga to... Baklang to! -- Ay dating baklang to!

"Aray!" Tinulak kasi siya sa noo ni Vice gamit ang daliri....

"Kung anu-ano iniisip mo eh. Alam kong ayaw mo magpahanap, pero sorry ka kabayo to bago ka pa maglayas alam ko ndn saan ka paparoon"

Napaisip ulit si K. So all this time na nagpakalayo siya ay non-sense din pala dahil alam ni Vice kung nasaan siya?! Nasaan ang katarungan?

"Teka. Ibig mong sabihin, alam mong nasa Catulinan ako all this time? Pinasundan mo ba ko?!?!"

Napaigtad naman sa gulat si Vice...

"Sandali. Chill lang. I'll explain"

Nanatiling nakataas ang kilay ni K na halatang iniimbestigahan kung talaga bang nagsasabi ng totoo si Vice...

Vice sighed "Oo alam ko kung nasaan ka pero hanggang doon na lang yun. Alam kong kailangan mo ng lugar na makakapagbigay pahinga sayo sa mga nangyari. Pero may kaunti akong kasalanang nagawa" Sabay yuko

"Ano yun?" Tanong ni Karylle...

"K-kasi pag namimiss kita, pinupuntahan kita at kahit di kita malapitan, basta matanaw lang kita okay na ko, sorry di ko kasi matiis" Hindi alam ni K pero para siyang nagluto ng sauce ng spaghetti sa sobrang pula ng mukha niya...

He made her blush effortless! Ganito ba talaga epekto ni Vice sakanya? Ayaw niyang ipakita kay Vice ang pagkakilig kaya agad siyang tumalikod...

Hinawakan naman siya nito sa kanyang balikat...

Operation: Make him say YES in 14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon