unsent 05

44 13 1
                                    

07/03/17

'kunyari , malakas ang loob mo

'kunyari, masaya ka

wag na wag kang yuyuko

dahil

hindi pwedeng makita nila

sa mga mata mo

ang lungkot na dinaranas mo

dahil hindi din nila maiintindihan

kung gaano kahirap

ang malayo,

sa mga taong itinuring na nilang kapamilya

at kapatid

patak nga lang ba ng luha

ang kapalit ng distansiya?

o inggit

inggit na aking nadama

nang sa harapan ko'y

isang grupo ng magkakaibiga'y

nagsama-sama at yinakap,

ang isa't isa

sana'y andito rin sila

upang sila'y mahagkan ko

hanggang sa ako'y magising sa katotohanang

hindi ko na kailanman mararamdaman

ang yakap ng aking mga kaibigan

at marinig manlang
ang mga salitang

'group hug?'

//

update, gahd, lonely transferee days 🤦

UnsentWhere stories live. Discover now