Isang taon na mula nang una kitang nakita at nakilala.
Ngunit hindi kita masyadong nakasama.
Mayroon ka kasing sariling grupo ng kaibigan,
at ako nama'y meron ding ibang mga kasa-kasama
Noon, hindi kita masyadong pinagtutuunan ng pansin
Ang alam ko lang ay ika'y mabait, palakaibigan, at napaka-masayahin
Ni minsan, di ko naisipang titigan ang iyong mata
at tingnan kung may mga itinatago ba itong kalungkutan
oo
minsan, nababasa ko ang buhay mo
o ang nararamdaman mo
ngunit alam kong kung ihahalintulad ito sa karagatan,
ang nakikita ko lamang ay ang mga mabababaw na parte ng pagkatao mo
at kung pipilitin ko mang languyin ang malalalim na parte,
sa tingin ko'y hindi ko na masisilayan pa
ang bukas, na ipagkakait mo
dahil hihilain lang ako pailalim nang pailalim ng iyong karagatan
hanggang sa ako'y malunod na saiyo.
At ngayong nabigyan uli ako ng oportunidad upang makasama ka
unti-unti na din kitang nakikilala
at ang iyong mga mata'y minsan ko nang tinititigan
hanggang sa makita ko ang tinatago ng mga itong kadiliman
at sa bawat araw o segundo manlang na nakakapiling ka,
ako'y paulit ulit mong hinihila
pailalim
nang
pailalim
hanggang sa
ako'y nalunod na
at hindi na maka-ahon pa.
YOU ARE READING
Unsent
Teen Fictionthis is everything i can't say. highest ranking so far aaa #oneshots : rank 35