hi
alam mo,
hanga ako sa'yo
sa bawat tamang sagot
at napaka-makabuluhang paliwanag mo
tila unti-unting lumiliwanag
ang paningin ko
pagdating
saiyo
hi din saiyo
sa bawat birong
binibitawan mo sa akin
na siyang nagpapalabas ng mga ngiting
hindi madalas nasisilayan
sa aking labi
ngunit ito'y
nagawa
mo
at
saiyo,
sa pinagdaanan natin
nang ako'y nariyan pa sa tabi mo
pero ako'y lumayo, at
ikaw ay nakahanap
na ng bago
dito sa
mundo
iisa
lang naman
ang resulta tuwing
ako'y nagmamahal nang
todo todo,
sa dulo'y
ako rin nama'y
bigo
YOU ARE READING
Unsent
Teen Fictionthis is everything i can't say. highest ranking so far aaa #oneshots : rank 35