minsan, ang bulag bulag talaga ng mga tao.
umaabot pa sa puntong, nasa harapan na nga nila, nakakaligtaan pa nila.
pero minsan, meron yung mga taong
hindi naman talaga bulag
ngunit sadyang nagbubulag-bulagan lang.
alam niyo yun?
yung tipong nakita ka na nga nila, pero hindi ka pinansin
sa halip, tumingin sila sa ibang direksyon.
yung tipong narinig ka na nga nila, pero hindi ka pinakinggan
sa halip, nagpatuloy lang sila sa pagsasalita
yung tipong gusto ka na nga niya, pero hindi ka niya sinabihan
sa halip, nagkunwari siyang walang paki saiyo.
yun ang mali sa'tin eh.
binabalewala natin yung mga nararamdaman natin,
minsan nga pinipilit pa natin itong tanggalin o tapusin.
oh come on.
you only live once, right?
so bakit mo ipagkakait sa sarili mo yung chance na ma-feel yung iba't ibang emosyon?
bakit mo ipagkakait sa sarili mo yung opportunity na matuto at magmahal?
porket takot kang maiwanan
at masaktan?
porket ayaw mong maranasan ang umiyak
at maglasing dahil lamang sa pag-ibig?
NO NO NO NO NO NO NO NO NO NO.
N. O.
hindi mo dapat sinasakripisyo ang iyong kagustuhan at kasiyahan
para lamang hindi ka madapa o masaktan.
dapat always follow your heart
be true to yourself.
kung gusto mo, kunin mo
wag mong pigilan ang gusto mo
wag kang matakot na masaktan sa dulo
kasi matututo ka naman sa mga pagkakamaling iyon eh.
pwede ka pa namang bumangon pagkatapos mong madapa, hindi ba?
wala namang nadadapa na hindi bumabangon uli.
dapat laban lang.
kapit lang
kasi in the end of the day,
atleast,
you'll have no regrets.
YOU ARE READING
Unsent
Teen Fictionthis is everything i can't say. highest ranking so far aaa #oneshots : rank 35