unsent 14

48 11 2
                                    

12/13/18

gaano kamalas nga ba ang isang taong hindi marunong magmahal?

sa kadahilanang minsan nang tinapak tapakan ang puso ng taong ito,

dinurog

ngayo'y sirang sira na siya

hirap na hirap na

sadyang malabo na

para matuto siya muli na ipaubaya ang puso

sa iba.

ngunit gaano nga ba kamalas ang isang taong di na kaya pang magtiwala?

hindi naman ibig sabihin na dahil minsan ka nang pinaglaruan at trinatong basura

hindi ka na muli bibigyan pa ng pagkakataong sumaya

kaya desisyong ginawa,

puso ko'y ipagkatiwala.

wala namang masama

kung muling susubukin ang tadhana

at muling matututo

sa anumang inihanda niya

kaya't susugal ako sa laro ng pag ibig

malasin man ako,

ako'y di magsasawang lulusob sa tubig

gagawin ang lahat para sa dulo'y

wala nang pagsisisi

dahil,


ano pa nga bang silbi ng puso

kung hindi din iibig nang totoo

malas man ako sa pag ibig,

sana'y malaman mo

swerte parin naman ako saiyo.

//


helo, trip ko lang mag publish ng mga draft na nakatambak HAHAHAH, peace

UnsentWhere stories live. Discover now