Minsan may isang rosas na nag-iisa sa isang hardin.
Alagang alaga ang rosas na ito ng hardinero.
Hanggang umabot sa punto na kahit ang luha niya mismo, ay kanyang ipinandidilig.
At ang kanyang mga ngiti at halakhak ang siyang nagsisilbing liwanag sa munting rosas.
Ngunit gaya ng lahat, ang pagmamahalang ito ng rosas at ng hardinero ay unti unting naglaho.
Nakahanap ng pamilya ang hardinero.
At ang kanyang mga luha, ngiti, at halakhak ay kanyang inialay na sa kanyang sariling pamilya.
Minahal niya ito gaya ng kanyang pagmamahal sa munting rosas.
Ngunit habang palalim nang palalim ang kanyang pagmamahal sa pamilya
Bumababaw naman ang pagmamahal na ibinibigay niya sa rosas.
Lumipas ang panahon, unti unti nang nawawalan ng buhay ang rosas.
Ang minsang mapupula nitong bulaklak ay tila nawala
At ang halimuyak nito na siyang umaakit sa mga paru paro'y naglaho na din na para bang bula.
Dumating ang araw , at nagsimula nang mahulog nang paunti onti ang mga talulot ng bulaklak.
Dahan dahan.
Na tila ba nakikisayaw sa hangin ang paghulog ng bawat isa.
Ngunit ang hindi alam ng hardinero, nakita ng kanyang anak ang rosas na ito.
At sa paglapit ng musmos na bata, unti unting bumalik ang kulay
at halimuyak
ng munting bulaklak.
Nasiyahan ang bata, at tuluyan niya itong linapitan at hinawakan.
At sa segundong nagkadikit ang kamay ng bata at ng rosas,
Tila bumalik ang oras
At ang mga talulot na siyang natuyo at tuluyan nang nahulog mula sa bulaklak ay nagsibalikan
Dahan dahan.
Na tila ba isang mahika.
Hangga't ang bulaklak na hawak hawak ng bata
Ay ang siya ding dating napakaganda at mahalimuyak na bulaklak na hinahawakan ng kanyang ama.
At sa araw na iyon, naging masaya muli ang rosas.
Kinabukasan, hindi inaasahan ng rosas na dumating ang hardinero
Hinagilap ng bulaklak ang kanyang anak kung sakaling kasama niya ito
ngunit hindi.
Mas laking gulat pa ng rosas nang lapitan siya ng hardinero na umiiyak.
Sunod sunod ang agos ng luha mula sa kanyang mga matang halos maging kasing pula na ng rosas
At gaya ng dati,
Ang rosas ang naroroon sa kanyang tabi.
Ang rosas ang patuloy na nakinig at umintindi
Sa matandang hardinero.
At ang paulit ulit na mga salitang nasambit ng hardinero
ay ang mga katagang
'Patay na siya. Patay na ang anak ko. Pagkagising ko. Patay na siya. Patay na ang anak ko.'
at sa sandaling iyon,
ang rosas ay lumuha
at kung siya'y makakapagsalita
sasambitin niya
'Ama, ako ito. Ako ito.'
YOU ARE READING
Unsent
Teen Fictionthis is everything i can't say. highest ranking so far aaa #oneshots : rank 35