unsent 08

48 11 3
                                    


alam kong ako ang nagkamali

dahil binalewala kita

alam kong ako ang nagsisisi

dahil hindi ko nakita..


na may tao palang naririyan para sakin

kahit na..

ako ay naririto para sa iba.


ngunit ngayon ko lang ito nakita

ngayon ko lang nakita kung gaano ka kahalaga

at kung gaano ako lumuluha

dahil sa sobrang pagsisisi na ngayon ko lang nahalata


bumabawi ako ngayon saiyo

ibinibigay ko ang atensiyong minsang ipinagkait ko

at minamasdan kita kahit malayo


ngunit tila napagod ka na kaka-hintay sa wala

kaya naman, naghanap ka na ng iba


at ngayo'y nahanap mo na siya.


at ako?

wala na akong magagawa

kung hanggang dito nalang talaga


pero sana,

malaman mo na nagsisisi parin ako ng sobra sobra.

pero sana,

malaman mo na sobra sobra akong humihiling na nakita ko sana ang iyong pagtingin,

ngunit nakatingin kasi ako noon sa iba.


at ngayon,

ako naman ang nakatingin saiyo

at ikaw

ang nakatangin sa iba


pasensiya na,

pero hindi ko parin matanggap

pasensiya na,

kung patuloy parin akong mangangarap


lalaban parin ako, sinta




UnsentWhere stories live. Discover now