Chapter one

233 6 0
                                    

“Elisse, gumising ka na diyan at kanina ka pa hinihintay ni Loui Bilisan mo ang pagkilos at Baka mainip na si Loui sa kakahintay sa iyo.”

Hi! Ako si Elisse 15 years old may kaibigan ako siya si Loui bestfriend ko. Magkapitbahay kami at magkaibigan ang mga mommy namin. Sa iisang school lang kami nag-aaral. Matanda lang sa akin si Loui ng isang taon. Third year ako at siya ay fourth year na. Lagi niya ako ipinagtatanggol sa mga babaeng nang-aaway sa akin simula pagkabata. Kumbaga siya ang knight in shining armor ko kaya lang naman ako inaaway ng mga babaeng iyon dahil may gusto sila kay Loui, sa madaling salita si Loui din ang dahilan kung bakit nila ako inaaway. Kasi   Basketball player si Loui sa school namin kaya sikat siya sa amin bukod pa don gwapo rin siya.

“Opo, Mama. Bababa na po. Saglit na lang po.”

 Nung bumaba ako sa kwarto ko nakita ko si Loui na nasa kusina at kumakain na ng agahan.

 “Good morning, Mama.”

 “Good morning, Elisse.”

“Good morning din sa iyo Loui. Parang hindi ka kumain sa inyo at dito ka pa talagang dumayo ng agahan.”

“Ano ka ba? Ikaw na ang sinusundo diyan eh ikaw pa galit. Para sabay na rin tayo sa pagpasok sa eskwelahan baka kasi Makita ka na naman ng mga babaeng iyon at awayin ka na naman diyan.”

“At sa tingin mo sino ang dahilan kung bakit nila ako inaaway.”

“Bakit kasalanan ko ba kung gwapo ako.”

“Wow! Ang kapal naman ng mukha mo niyan. Para yatang lumakas ang hangin dito ha.”

“Hoy! Hindi ha talaga namang gwapo ako ah. Kaya maraming nagkakandarapa sa akin na mga babae sa school natin eh.”

“Hay naku! Magsitigil na nga kayong dalawa diyan at baka malate pa kayo niyan sa school eh. Elisse kumain ka na at umalis na kayo ni Loui. Tigilan ninyo na ang pagbabangayan ninyo diyan.”

“Sige po, Mama.”

Pagkatapos namin kumain ni Loui ay nagpaalam na kami kaagad kay mama.

“Mama, alis na po kami.” Tapos sabay kiss sa pisngi ni mama.

“Sige po, tita alis na po kami.”

“O, sige, Loui ikaw na ang bahala sa anak ko sa school ha.”

“Opo tita maaasahan niyo po ako sa pagbabantay kay Elisse sa school.”

Pagdating namin sa school nakita kaagad namin ang mga babaeng nagkakandarapa na mapansin ni Loui. Nandoon sila sa tapat ng gate ng school naming at mukhang hinihintay talaga si Loui. Pagtapat namin sa kanila bigla silang sumigaw ng napakalakas. Mukhang masisira yata ng eardrums ko sa mga babaeng ito.

“Gooood morning, Loui.” Sabay sabay na sabi ng mga babae.

“Good morning din sa inyo, ladies.”

“Aaay! Ang gwapo talaga ni Loui.”

Tinignan ko lang ng masama si Loui. Nang makita niya  akong nakatingin sa kanya. Sinabi lang niya sa akin na “Bakit kasalanan ko ba na gwapo ako.” pagkasabi niya nun sa akin ay inirapan ko siya at sabay alis. Narinig ko pa siyang tumatawa habang papunta ako sa room ko.

Hmm, nakakainis talaga si Loui. Kahit kelan ang yabang niya. Sinasabi ko yun sa isip ko habang naglalakad ako papunta sa room ko.

Pagdating ko sa room ko nakita ko si Marie ang one and only friend ko dito sa school. Siya lang yata ang nag-iisang babae na walang gusto kay Loui.

“O, bakit nakasimangot ka diyan? Ang aga-aga eh parang binagyo yang mukha mong yan eh.”

“Kasi naman si Loui nakakainis talaga eh. Ang yabang niya talaga.”

I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon