Sa school. Lunch break. Pinag-uusapan namin ni Marie kung paano namin eespiyahan sila Loui para malaman namin kung kelan ang susunod nilang date para maumpisahan na ang aming mga plano.
“Alam ko na. Bakit hindi natin umpisahan ulit ang pakikipag-usap kina Loui at Gerald?” sabi ni Marie.
“Ano ka ba? Alam mo naman na galit na galit sa akin si Loui, diba?”
“Oo nga. Pero bakit hindi ka unang makipagbati sa kanya para naman malaman natin kung kelan ang susunod nilang date? Diba, dati naman lahat ng plano nila ay sinasabi sa atin.”
Napag-isip-isip ko na yun na nga lang ang pinakamadaling paraan para maespiyahan sila. Kaya nung araw na iyon nagpunta kami sa gym para hanapin sila Loui at Gerald.
“Ayun nakita ko na sila Gerald. Kaya lang may mga kasamang asungot.” turo ni Marie.
“Oo nga. Nakita ko na rin. Wala na tayong magagawa eto na lang ang pinakamadaling paraan para malaman natin ang kanilang mga plano.”
Nang makita namin sila ay nilapitan kaagad namin.
“Loui, Gerald.” Sigaw namin ni Marie kaya napatingin sila sa amin.
“Bakit? May kailangan ba kayo sa amin?” Tanong ni Loui.
“Ahmmm. Ano? Gusto sana namin kayo kausapin kahit saglit lang.”
“Busy kami eh.” Sabi ni Loui.
“Saglit lang naman eh.” Sabi ko naman.
“Ba’t hindi niyo pa sabihin dito ngayon?” tanong ni Gerald.
“Gusto kasi namin yung tayong apat lang ang mag-uusap.” Sabi ni Marie.
“Bakit? Girlfriend naman namin sila ah. Bakit hindi sila pwedeng makinig sa usapan natin?” Tanong ni Loui.
“Saglit lang naman eh. Pagbigyan niyo na kami.” Sabi ni Marie.
“Sige na nga.” Pagpayag ni Loui.
Kaya nagpunta kami sa isang corner sa may court kung saan walang gaanong tao.
“Sige, pwede niyo nang umpisahan ang pagsasalita at maya maya lang mag-uumpisa na rin ang practice namin.” Sabi ni Loui.
“Sige. Ahmmm, Loui. Galit ka pa ba sa akin? Kung galit ka pa pwede bang magbati na tayo? Huwag ka ng magalit sa akin. Huwag kang mag-alala next time, promise, magtetxt ako sayo kapag gagabihin ako ng uwi. Napasarap lang talaga ang kwentuhan namin ni John noon eh at hinintay lang namin yung fireworks kaya kami ginabi ng uwi. Sige na, bati na tayo, ibalik natin yung dati nating samahan na sabay mag-lunch at nagkukuwentuhan. Pwede naman nating isama ang mga girlfriend ninyo sa atin. Magiging friendly din kami sa kanila.” Mahabang paliwanag ko kay Loui.
“Hindi naman kami galit sa inyo eh. Nagkataon lang siguro na sinagot na kami nila Anna at Liza kaya hindi na namin kayo nakakausap. Hindi ba, Gerald.” Sabi ni Loui.
“Oo. Pasensiya na kung namis-interpret ninyo yun ha.” Sabi naman ni Gerald.
“So, paano? Sabay na tayong mag-lalunch bukas.” Tanong ni Marie.
“Sige.” Panabay na sabi nila Loui at Gerald.
“Sige. Yun lang. Salamat. Bye.” Sabay na sabi namin ni Marie.
“Bye.” sabay na sabi nila Loui at Gerald.
Pagkatapos non umalis na kami. Masayang masaya na kami ni Marie hindi dahil malapit na namin isakatuparan ang mga plano namin kundi napag-alaman namin na hindi pala sila galit sa amin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Bestfriend
Teen FictionThis story is about the two childhood friend who fell in love with each other.