Chapter twelve

65 5 0
                                    

Sa school. lunch break. Sa may canteen.

 Habang nakain kami may narinig kami tungkol sa amin, ay hindi pa la narinig kundi pinariringgan kami kasi ang mga nasa kabilang mesa lang namin namin ay ang grupo nila Anna at Liza at kasama pa ang kanilang ibang mga kaibigan.

 “Alam niyo napakatalandi talaga nila Elisse at Marie.” Parinig ni Anna.

 “Ba’t mo naman nasabi yan?” tanong ni Erica isa sa mga kaibigan nila Anna at Marie na kaklase din namin ni Marie.

 “Kasi hindi lang ang mga boyfriend namin ang inaakit nila kundi yung taga kabilang school ay inaakit din nila. Biruin niyo ang sabi nila ay love at first sight daw kaya nila singot ang mga guy. Naniniwala ba kayo don?” Sabi naman ni Anna.

 “Talaga. Akala pa naman namin ay mahihinhin sila hindi pala may mga itinatago din pala silang baho sa katawan nila.” Sabi ni Rica isa ding kaibigan nila Anna at Liza na kaklase din namin ni Marie.

 “Oo. Alam niyo pa na nagsweet-sweetan pa sila sa harap namin akala mo totoo pero hindi naman. Umaarte lang silang sweet sila dun sa mga guy pero ang totoo ay hindi gusto lang siguro nila mapagselos sila Loui at Gerald kaya nagpapasweet sila sa mga harap namin nung Saturday.” Sabi ni Anna.

 “Sayang, gusto pa naman namin silang kaibiganin kasi mukha silang tahimik at mababait pero ngayon parang nagbago na ang isip namin. Ayaw naming magkaroon ng kaibigan na talandi noh.” Sabi ni Erica.

 “Baka nga hindi na silang mga birhen, kasi mga malalandi sila.” sabi naman ni Liza.

 “Oo nga.” Sang-ayon ni Anna.

 Pagkarinig namin nun narindi ang mga tenga namin sa mga narinig namin sa mga bibig nila kaya pumunta kami sa pwesto nila at kinompronta namin sila.

 “Ano ba ang problema ninyo?” tanong ko.

 “Wala naman kaming ginagawa sa inyo ha. Nananahimik kami na kumakain tapos bigla na lang kayong nagpaparinig sa amin. Kung may gusto kayong sabihin sa amin sabihin ninyo ng harapan hindi yung kung anu-ano pa ang pinagkakalat niyo diyan.” Sabi naman ni Marie.

 “Bakit? Totoo naman ang lahat ng mga sinasabi naming ha. Kunwari pa kayo akala ninyo kung sino kayong malinis pero ang totoo hindi.”

 At dahil marami ng nakakarinig ng lahat ng mga sinasabi nila Anna at Liza ay tuluyan ng sumabog ang galit namin sa kanila at talagang sinabunutan namin sila sa sobrang inis namin dahil napahiya kami sa mga tao sa canteen. Nang biglang dumating sina Loui at Gerald.

“Itigil niyo yan. Ano ba ang nangyayari dito?” tanong ni Loui habang inaawat nila kami sa pagsasabunutan pati na rin ang kanina pang nanonood sa amin na schoolmate namin ay nakiawat na rin.

 “Sila kasi eh. Kumakain lang kami dito bigla na lang kaming sinabunutan. Yan ba ang sinasabi ninyong mababait na kaibigan eh mukha silang nasa palengke na bigla na lang lulusob at mang-aaway ng walang dahilan.” Mahabang sabi ni Anna.

 “Anong kami? Kayo nga dyan ang nanguna eh kung anu-ano ang mga ipinagkakalat ninyo diyan. Mga sinungaling kayo.” Sabi ni Marie.

 “Tama na yan. Tumigil na kayo. Hindi ko akalain na ganyan pala kayo. May itinatago pala kayong galit kina Anna at Liza akala pa naman namin matatanggap niyo sila bilang mga girlfriend naming nagkamali kami at nagsisisi kami at naging kaibigan pa namin kayo.” Sabi ni Loui sa amin.

 At dahil sa mga masasakit na salitang binitawan ni Loui sa amin ay hindi namin maiwasan ni Marie na magalit sa kanila kaya sa sobrang inis namin ay iniwan na lang namin sila sa canteen at tumakbo kami sa may CR. Umiyak kami ng umiyak ni Marie sa CR. Duon namin binuhos ang lahat ng galit namin kina Loui at Gerald. Pakiramdam namin ay kami lang ni Marie ang magkakampi at wala ng iba pa. Hindi na kami pumasok sa next class namin at bigla na lang kaming umalis sa school at nagpunta kung saan saan hanggang sa di sinasadya may nabunggo kami. At ang nabunggo namin ay walang iba kundi sina John at Carl.

 “Kayo pala?” sabi ko kila John at Carl.

“O, Ba’t kayo umiiyak? May problema ba?” tanong naman ni Carl sa amin.

 Pagkatanong nun ni Carl ay bigla na lang kaming humagulgol ng iyak.

 “Mas mabuti pa huwag tayo dito mag-usap. Baka sabihin pa nila na kami ang nagpapaiyak sa inyo.” sabi ni John.

 Dinala kami nila John at Carl sa Karaoke para daw tahimik. Inarkila namin ang isang cubicle sa may karaoke bar. Para daw makapag-usap kami ng maayos.

 “Ok. Pwede niyo ng simulan ang kwento.” Sabi ni Carl sa amin nung makaorder na kami ng pagkain. Kaya ikinuwento namin ang lahat ng mga nangyari sa school.

 “Bakit naman nila ginawa yun?” tanong ni John sa amin pagkatapos namin ikuwento sa kanila ang lahat

 “Kasi nagseselos sila kaya ginawa nila yun para ipahiya kami sa lahat. Wala na kaming mukhang ihaharap pa sa school. parang ayaw na namin pumasok pagkatapos ng mga nangyari kanina.” Sabi ko.

 “Tapos ang pinakamasakit pa ay kinampihan pa nila sila Anna at Liza. Hindi namin alam na ganun pala kaliit ang tingin nila sa amin gayung magkaibigan kami simula pagkabata.” Sabi naman ni Marie.

 “Huwag kayong mag-alala. Kakausapin namin sila Anna at Liza.” sabi ni John.

 “Huwag na. Baka sabihin pa nila ay nagsusumbong kami sa inyo.” sabi ko.

 “Sige, kayo ang bahala.” Sabi ni Carl.

 Ginabi na kami ni Marie sa kakaemote kina John at Carl kaya hinatid nila kami pauwi. Hanggang ngayon kasi ay hindi namin matanggap ang nangyari sa school buti na lang at walang pasok bukas. Pagdating sa bahay nagkulong na lang ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. 

I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon